Enter 74: Break Up

5.6K 268 26
                                    

[Klark's POV]

Napatigil ako sa pag-iyak nang biglang tumunog ang phone ko. Dali dali ko itong kinuha sa bulsa ko at sinagot yung tawag.

Si CJ ang tumatawag. Pero ibang boses ang narinig ko.

[Hello Klark? Ang tagal mo naman. Nandito na kami] boses yun ni Brix. Pinunasan ko muna ang luha ko at tumayo bago sumagot.

"N-nandiyan na"

[Okay. Bilisan mo!]

*call ended*

Napabuntong hininga ako.

Pinipigilan ko ang pag iyak ko habang papunta ako dun. Wag kang iiyak Klark. Habang papalapit ako sa kaniya ay napakabigat ng nararamdaman ko. Iniisip ko palang yung gagawin ko, gusto ko ng umiyak. Nasasaktan na ako. Paano pa kaya kapag nangyari na?

"Ang tagal mo Klark hah!," reklamo ni Brix nang makarating ako.

"Sorry," paumanhin ko.

Gusto kong maiyak nang hawakan ni CJ ang kamay ko. Tinignan niya ako na parang sinasabi na 'may nangyaring hindi maganda'.

Ngumiti lang ako sa kaniya. Mamaya, gagawin ko na.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Nang makarating kami sa dorm namin ay agad niya akong tinanong kung may nangyari kanina. Bumuntong hininga muna ako. Pero hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Z-ZK, anong nagyari? Sabihin mo-," agad ko siyang pinutol sa pagsasalita.

"Gusto ko ng tapusin 'tong relasyon natin," pigil hininga kong sabi. Bigla siyang natigilan.

"A-ano? ZK, w-wag ka namang magbiro ng ganyan oh. Joke lang ito diba? Diba? Niloloko mo lang ako diba?," tuluyan na akong umiyak. Hiniwakan niya ako sa magkabilang balikat.

"H-Hindi ako nagbibiro CJ. Gusto ko ng tapusin kung ano mang meron sa atin. Gusto ko ng itigil natin 'tong relasyon natin," sabi ko sa kaniya.

Tumingin ako sa mga mata niya. Ramdam ko ang galit doon.

"Bakit?," ang tanong narinig ko mula sa kaniya.

Ang sakit! Sorry CJ. Ito lang ang alam kong paraan para itigil tong relasyon natin.

Sorry T_T

"Bakit ka ba ganyan? Bakit ang dali mong bumitaw? Bakit ka sumuko kaagad?," sigaw niya sakin habang pinigilan ang pagtulo ng luha niya.

"Hindi ako bumitaw! At mas lalong hindi ako sumuko! Ginawa ko yun dahil iyon ang tama!," sigaw ko pabalik habang sunod sunod ang pagpatak ng luha ko.

"Iyon ang tama? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Fvck! Tama bang iwanan mo ako sa ere? Tama bang saktan mo ako ng ganito? Sabihin mo sakin! Tama bang ganituhin mo ako? Hah! Sabihin mo...," hagulgol niyang sabi. Pinunasan ko ang luha ko.

"Siguro tama...tama ako. Yun ang dapat nating gawin...," mahinang sabi ko.

"Yun ang tama nating gawin? Ang sabay tayong lumaban at walang bibitaw! Yung ang tama nating gawin ZK!," sigaw niya. Sinipa pa niya ang upuan dahil sa galit. Napapikit ako dahil sa sumunod niyang sinabi. Hindi ko na kaya ang sakit.

"Akala ko ba sabay tayong lalaban? Akala ko ba sabay nating lulutasan ang problema nating 'to? Akala ko lang pala ang lahat. Sana sinabi mo nung una palang! Sana sinabi mo na para hindi ako lumaban ng mag-isa!," sigaw niya.

Umiling iling ako.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at tinignan ko siya sa mata. Nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi parin niya.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon