Enter 5: I'm His Servant

17.8K 685 57
                                    

[Klark's POV]

Ano ba yan! Kainis! Nakakainis! Yung Christian nayun! Josh pala! Ah basta! Ang yabang! Kung pwede ko lang siyang suntukin at sipain, ginawa ko na. Kapag ginawa ko yun, mawawala yung scholarship ko.

Eh kung hindi ko nalang kaya siya sundin?

Hays. Mawawala parin talaga yung scholarship ko. Nakakainis talaga.

Dahil sa hindi ko na napigilan ang inis ko, nasuntok ko yung pader. Kahit naman na isang bisexual lang, kaya kong makipagsabayan sa mga nagrarambulan diyan sa kanto. Nandito kasi ako sa banyo. Naliligo ako.

Hindi ko inalintana ang hapdi sa kamay ko. Sh*t lang talaga.

Kapag naiinis ako, naliligo ako. Ewan ko. Nakasanayan ko na 'to eh. Nang matapos akong maligo, lumabas na ako.

Half naked akong lumabas.

Pero laking gulat ko nang makita kong nakaupo si Christian sa kama ko.

"Anong ginagawa mo dito?," tanong ko sa kaniya.

Medyo nagulat siya kaya napalingon siya sa akin.

Ewan ko kung natulala ba siya o ano. Medyo nakanganga pa siya. At kung hindi ako nagkakamali, namumula siya...? Tss. Ano na namang drama yan?

"Ano?!"-Ako.

Bigla siyang nag-iwas ng tingin.

"I just want to clarify something," sagot niya habang nakatingin sa kisame.

"What is it? Bilisan mo, magbibihis pa ako!," sabi ko.

"Why don't you just do it?," nakangisi niyang sabi. Pero hindi parin siya nakatingin sa akin.

Wait...bigla akong napatigil sa sinabi niya.

"What?? Baliw ka nga," sabi ko.

"Bakit? Lalake naman tayo pareho in the first place, diba?," bigla akong namula sa sinabi niya. Yae naman!

"Christian-" pinutol niya ako sa pagsasalita.

"Call me Josh-master Josh," pagtatama niya.

"Fine fine! Monster Josh," syempre bulong lang yung huli kong sinabi.

"Anong sabi mo?," nakatingin na naman siya ng masama. Pinaglihi ba ito sa sama ng loob kaya ganito makatingin?

"May sinasabi ba ako? Wala naman ah," sabi ko.

"Narinig ko yun!," sigaw niya.

"Narinig mo naman pala bakit mo pa tinatanong? Utak naman. Nasaan ba? Nasa ulo o kuko? Tss," sarkatiko kong sabi.

"Ganiyan mo ba tratuhin ang MASTER mo? Tss," sabi niya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Napalunok ako ng laway. Half meter nalang ang distansya niya sa akin kaya umatras ako.

Naman! Napamura ako sa isip ng maramdaman ko yung pintuan ng banyo. Sh*t. Kumbaga dead end na!

Ngayon isang dangkal nalang yung distansiya namin sa isa't isa. Teka...parang hindi lalake 'to! Hindi ba siya naiilang na sobrang lapit niya sa kapwa niya lalake. (Teka! Hindi ka naman straight Klark! Utak mo! Nasaan? Nasa ulo o kuko?)

"M-master Josh. Hehe. Joke ko lang yun. Ano ba talaga ang pinunta mo rito?," no choice ako mga kuys!

"Good. Call me Master Josh or else-"

"Or else mawawala scholarship ko. Oo alam ko na PO MASTER JOSH ," kairita tong gagong to.

"Mabuti naman kung nagkakaintindihan tayo"-Josh

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon