All Boys' School

57.6K 1K 55
                                    

~Prologue~

"Bakit ka ba ganyan? Bakit ang dali mong bumitaw? Bakit ka sumuko kaagad?," sigaw niya sakin habang pinigilan ang pagtulo ng luha niya.

"Hindi ako bumitaw! At mas lalong hindi ako sumuko! Ginawa ko yun dahil iyon ang tama!," sigaw ko pabalik habang sunod sunod ang pagpatak ng luha ko.

"Iyon ang tama? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Fvck! Tama bang iwanan mo ako sa ere? Tama bang saktan mo ako ng ganito? Sabihin mo sakin! Tama bang ganituhin mo ako? Hah! Sabihin mo...," hagulgol niyang sabi. Pinunasan ko ang luha ko.

"Siguro tama...tama ako. Yun ang dapat nating gawin...," mahinang sabi ko.

"Akala ko ba sabay tayong lalaban? Akala ko ba sabay nating lulutasan ang problema nating 'to? Akala ko lang pala ang lahat. Sana sinabi mo nung una palang! Sana sinabi mo na para hindi ako lumaban ng mag-isa!," sigaw niya.

Umiling iling ako.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at tinignan ko siya sa mata. Nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi parin niya.

"Sorry...pero ito yung tama. Mahal na mahal kita. Ikaw lang yung mamahalin ko hanggang huli. Sana makahanap ka magmamahal sayo. Yung kaya kang ipaglaban. Yung kaya kang samahan sa lahat ng problema," tapos hinalikan ko siya.

Napapikit ako. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa pisngi ko.

Bumitaw na ako sa halik nayun.

"Paalam," nahihirapan kong sabi bago tumalikod at iniwan siya.

••••••

Sa pagpasok ko sa Aeden Academy-Isang All Boys' School....

Maraming nagbago...

Yung mga nakasanayan ko, naging bago.

Na sa bawat pagpili ng desisiyon kailangan mong magsakripisiyo na sa bawat sakripisyo mayroong maganda o masamang resulta.

At isa pa...

May isa pa akong natutunan.

Natutunan kong Magmahal...

That...

Love can conquers all...

And this is me, my story. Zhane Klark Anderson is the name. And I'm proud to tell you that I'm a Bisexual.

---
Samahan ang dalawang taong pinagkaitan ng tadhana.

Isang taong kulang ang memorya

At

Isang tao na nangungulila sa taong mahal niya.

Ano kaya ang mangyayari kapag magtagpo ulit ang mga ito?

Tunghayan ang kanilang kakaibang kwento.

Pero ano?

"Handa ka na ba?"

--

A/N: I just tried to do some boyxboy stories. Haha. Sabi nga ni Klark, walang basaga ng trip -_- at yung mga karakter at scenes ay gawa lang mapaglarong imahinasyon ng manunulat

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon