Enter 12: Fine! I have a CRUSH on HIM

15.2K 551 26
                                    

[Klark's POV]

Magtatatlong linggo na pala ako dito sa Aeden Academy. Well, aaminin kong may nagbago. Yung mga nakasanayan kong ginagawa sa dati kong school, tulad ng pagiging tahimik sa loob ng klase, yung walang ibang ginagawa kundi ang pagbabasa ng libro, at higit sa lahat ang ang pagiging loner. Pero ngayon, hindi naman sa maingay ako sa loob ng klase, nasasanay na akong makisalamuha. Nagbabasa pa naman ako ng libro pero minsanan nalang kasi palaging utos ng utos si Josh. And syempre hindi na ako loner. Haha

At sa pagiging nerd ko naman, parang wala namang pake ang tao dito. Kaya masasabi kong mababait sila. Hahahaha

Ewan ko pero hindi ko mapigilang mapangiti.

"Good mood ka ata ngayon Klark?," takang tanong sakin ni Brix. Nandito ulit kami sa Garden. Buti nalang pinayagan ako ni Josh eh. Akala ko nga ayaw niya kaso kahapon basta basta ko siyang iniiwan. Hahaha.

"Palagi kaya akong good mood," sabi ko.

"Sus! May crush ka lang eh!," sabi niya. Napatigil ako.

"Tama ka. May crush ako," mukhang nabigla naman siya sa sinabi ko.

"Talaga???? Sino?!," gulat niyang tanong.

"Si Bass Suradej," sabi ko. Si Bass Suradej yung sobrang cute na artista sa paborito kong Thail Bl Series na '2 Moon The series'. Sobrang ganda kaya nun. Tapos ang cute ni Wayo <3

"Sino yun? At anong klaseng pangalang meron siya?"-Brix

" Character siya sa paborito kong Thai Bl Series"-sabi ko.

"Ewan ko sayo Klark! Akala ko pa naman si Christian?," napatigil ako sa sinabi niya.

"What made you think na magka-crush ako sa kaniya?," sabi ko.

Hindi nga ba?- sabi ni konsensiya

"Asus. Talaga lang huh!," sabat niya.

"Talaga. Pero maiba tayo! May napapansin ako sayong tukmol ka"-Ako

Nag-crossed arms siya.

" ano naman yun?," tanong niya.

Actually, kahapon ko pa gustong tanungin sa kaniya to.

"May gusto ka ba sa kaniya?," diretso kong tanong.

"Huh? S-sino?," utal niyang tanong.

"Alam kong kilala mo kung sino tinutukoy ko Brix. Sa tingin mo hindi ko napapansin na lagi kang tumitingin sa kaniya? Iba din yung mga ngiti mo kapag nakikipag-usap ka sa kaniya," ngisi ko.

"H-huh? Sino bayang t-tinutukoy mo?!," tanong niya.

"Haha. Sino pa ba eh si-," hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi may biglang dumating.

Si Jerome.

"Hi guys. Bakit nandito pa kayo? Malapit ng magtime," sabi niya.

Tumingin ako sa kaniya tapos kay Brix at ngumisi ako sa kaniya. Gets niya na siguro pagngisi ko kaya namula siya. Gusto ko tuloy matawa.

Napansin ata ni Jerome ang pamumula ng pisngi niya kaya timingin siya kay Brix.

"Oh bakit ka mamumula? Hindi ka pa naman namumula kanina ah," tanong ni Jerome sa kaniya. Hinawakan pa ni Jerome ang pisngi, noo at leeg niya kaya mas lalong namula si Brix at hindi makatingin kay Jerome.

"Siguro Jerome naiisip niya yung TAONG GUSTO niya kaya siya nagkakaganyan," idiniin ko pa talaga yung word na 'taong gusto'. Haha. Tumingin sakin ng masama si Brix.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon