Enter 68: Just Remember

4.9K 217 13
                                    

[Third Person's POV]

"HINDI 'TO MAAARI! HINDI AKO MAKAKAPAYAG!,” gigil na bulong ng isang lalaki na naka-formal attire.

"Siguro, ito na ang panahon para bumalik. Kung nagawa kong paghiwalayin kayo, magagawa ko ulit yun. Hindi ako makakapayag na may bakla akong anak," sabi pa niya at saka niya ininom ang alak na nasa harapan niya.

•••••••••||

[Klark's POV]

"Good morning Love," bati ko kay CJ pagkamulat niya. Kung nung isang araw, pinagmasdan ako hanggang sa magising. Ngayon, ako naman. Sounds corny? Wala akong pake. Haha.

Agad siyang napangiti sa akin tsaka niya ako niyakap at pinaggigilan ang pisngi ko.

"Ang cute mo talaga," sabi niya sa akin.

"Alam ko," confident kong sabi sa kaniya.

"Oo na," sabi niya at pinisil-pisil ang pisngi ko.

"Shama na. Mashakit," bulol kong sabi habang pinipisil ang pisngi ko. Natatawa siyang binitawan ang pisngi ko at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko.

"Sh*t," biglang sabi ko ng maramdaman kong sinipsip niya ang leeg ko.

"A-ano ba CJ," sabi ko at pinalo siya sa braso.

Narinig ko siya tumawa.

"Practice lang," natatawa niyang sabi.

"Practice mo mukha mo. Bangon na nga tayo. Baka kung ano pang magawa ko sa akin," natatawa ko ring sabi.

Umalis na ako sa pagkakayakap niya sa akin.

"Bangon ka na," sabi ko sa knaiya pero umiling lang siya at pumikit.

"Aba't 'tong lokong 'to. Bumangon ka na diyan," umiling lang siya at sinubsob ang mukha sa unan niya.

"Ayaw mong bumangon?," tanong ko kaniya.

"Ayaw," rinig kong sagot niya habang nakasubsob parin ang mukha niya sa unan.

"Ganun? Ayaw mo talaga?,” tanong ko sa kaniya at sunod sunod siyang umiling.

Napangisi ako sa naiisip ko. Tumalon ako at dinaganan siya. Wahahahahahaha. Pagkatapos nun ay kiniliti ko siya.

"Ahaha-haha. Z-ZK t-tama na. Ahahahahah," kiniliti ko parin siya at patuloy din siyang nagpupumiglas.

"T-tumigil ka hahahahah na..," at sa isang iglap. Nakita ko na lang na nagkabaliktad kami ng pasisyon. Siya na ang nasa ibabaw at ako na ang nasa ilalim niya.

Nakangisi siyang tumingin sa akin.

Magpupumiglas palang sana ako nang jawakan niya ang magkabilang kamay ko at isinandal sa magkabilang gilid ng ulo ko. Nasa pagitan ng legs niya ang katawan ko.

Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin.

"A-anong gagawin mo s-sakin," kinakabahan kong sabi. Nangiti lang siya. Alam niyo yung ngiti ng may balak? Yun yun!

Napalunok ako.

Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya.

"Ready ka na?," bulong niya at amoy ang hininga niya. Hindi naman mabaho kahit kagigising lang.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon