Enter 57: It is ZK's turn

5.8K 338 15
                                    

[Klark's POV]

Pagkatapos ng surprise nayun! Sh*t lang mga kuys! Hindi ko kayang pigilan yung kilig ko! Haha.

Pero naisip ko na dapat hindi lang si CJ dapat ang mag-effort para dito sa relationship namin. Dapat ako din. Kasi alam niyo, may nabasa ako. Sabi dun na dapat fair yung effort. Hindi lang isa yung gumagawa ng sweetness, surprises atbp.

Kaya may naisip na ako kaso hindi ko lang alam kung mag-wowork.

Pero kaya yan! Gagawa ako ng paraan!

"Date tayo," sabi niya.

"Next time nalang," sagot ko. Sumimangot siya kaya hinalikan ko.

"Haha. Next time nalang," sabi ko ulit.

Lalo siyang sumimangot na para bang nagpapa-cute.

Then his phone suddenly rings.

"Hello baby Alice?," sagot niya sa kabilang

Napatingin ako sa kaniya.

"Okay. Hintayin mo kami diyan," sabi pa niya sa kabilang linya at pinatay ang tawag.

"Anong sabi ni bebe Alice?," tanong ko.

"Puntahan daw natin siya. May ginagawa si mom dito sa academy," and that gave me an idea.

"Ayaw kong sumama," sabi ko.

Agad naman siyang napatingin sa akin.

"What?"

"Uhm...ano kasi...ah basta may gagawin ako. Ikaw nalang ang pupunta. Next time nalang ako na sasama sa'yo," sabi ko. Lalong kumunot ang noo niya.

"Eh di susunduin nalang natin si Alice-'

"No. Puntahan mo na. At tsaka matagal naman na hindi kayo nakakapagbonding na kayong dalawa lang. At wag lang mag-alala, may kiss ka sakin pagbalik mo," sumimangot siya pero nagpacute ako para sumunod siya. He sighed.

"Fine. Basta maraming kiss ang sasalubong sakin pagbalik ko," sabi niya.

"Oo na," pagpayag ko.

"Sama ka nalang kasi-"

"I love you. I love you. I love you. I love you," sabinko at hinalik-halikan ko siya sa labi.

"Sapat na siguro yan," natatawang sabi ko.

"Hays. Oo na nga! Basta usapan natin ah," sabi niya.

Tumango ako.

"Hays. Ano ba yan. First monthsarry natin tapos hindi man lang tayo makakapag-date," bulong niya pero narinig ko parin. Niyakap ko siya mula sa likod.

"Don't worry, babawi ako pagbalik mo. Promise ko yan," sabi ko pa sa kaniya. Tinaggal niya ang kamay ko sa bewang niya at humarap sa akin. Hinalikan niya ulit ako.

"Fine. Kung hindi lang kita mahal eh," sabi pa niya.

"Sige na, umalis ka na. Hinihintay ka na ni bebe Alice baka magtampo pa yuj sa'yo," sabi ko na ikinatango niya.

"Aalis na ako Love," paalam niya.

"Okay. Ingat ka," sabi ko.

Agad kong tinawagan si Brix pagkalabas niya sa dorn namin.

[Hello? Ang aga-aga Klark. Wag kang istorbo-] hindi ko siya pinatapos at sinabi ko ang dapat kong sabihin.

"Kailangan ko ang tulong mo. First monthsarry namin ni CJ ngayon kaya gusto ko siyang i-surprise pagbalik niya dito sa academy"

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon