Enter 1: Aeden Academy

37.5K 859 100
                                    

[Klark's POV]

Kasalukayan ko ngayong pinupunasan ang luha ni Mama. Haist! Kagabi lang mas excited pa siya kesa sa akin na pumasok sa Aeden Academy pero ngayon nagda-drama na.

"Paano nayan? Wala na akong kasama dito sa bahay? Wala ng mag-aalaga sayo anak? (T_T) Mailalayo na ang nag-iisang baby ko," ngumiti ako sa kaniya.

Ngumuso ako. Baby daw? Ang sagwa. Haha

"Maghanap na kasi kayo ng bago," sabi ko.

Pinalo naman niya ako sa braso.

"G*gong to! Mahal ko pa tatay mo!," napatawa nalang ako.

"Oo na Ma! Haha. Kaya mahal na mahal ko kayo eh. Loyal kay Papa!," for the nth term! She hugged me again.

"Ah Mr Anderson. Aalis na po tayo," sulpot ni Ate Sae (Sey)

"Oh Ma aalis na daw kami," huminga muna ako malalim.

"Ma, mag-iingat kayo dito hah?"

"Ikaw din anak. Oh sige na. Pumunta ka na! Hoy Sae! Ingatan mo anak ko!," tumango sa kaniya si Ate Sae.

Binitbit ko na yung mga gamit ko.

For the last time!

"Ma!!! INGATAN NIYO SARILI NIYO OKAY? WAG NIYONG PABABAYAAN KALUSUGAN NIYO!," sumigaw ako  kasi trip ko lang.

Woah! Napakurap ako nang mapansin ko ang itim na kotse. Ang alam ko ito yung pinakalatest na kotse sa buong mundo.

"Pumasok ka na Mr Anderson," tumango naman ako lay ate Sae.

Pinagbuksan pa niya ako. Ang sosyal.

Pumasok na ako sa kotse. Yung mapapamura ka talaga dahil excitement! Si Ate Sae lang pala yung sumundo sa akin at siya ang driver!

"Ah Ate Sae, ilan oras ang byahe papunta sa Aeden Academy?," tanong ko.

"13 hours ang byahe mula dito hanggang sa A.A Mr Anderson," kanina pa niya ako tinatawag sa last name ko.

"Too Formal Ate Sae. Just call me Klark," saad ko.

"Ok Klark," tapos tumingin sya sa front mirror at ngumiti. Shocks! Ang ganda! Haha. Kaya naman ngumiti naman ako pabalik.

Siguro nagtataka kayo ano? Kase naman nakapasa ako sa isang scholarship exam sa Aeden Academy.

Once in a blue moon lang kasi na magbigay ng test for scholarship ang AEDEN ACADEMY! Kaya heto! Kumuha na ako ng exam for scholarship. TAKE NOTE: AEDEN ACADEMY IS THE TOP ONE ACADEMY IN THE WORLD AND ALL BOYS' SCHOOL! Yan ang pinapangarap ng kahit sinong mag-aaral! Aeden Academy is for RICH PEOPLE! But not at all. Dahil may mangilan ngilan namang scholars ang nandun. But only 15% out of 100 % ang may scholarship. Kaya naman, I took the opportunity.

Habang nagbibiyahe kami ay nakaramdam ako ng hilo. Ngayon ko lang naalala hindi pala ako sanay sa ganito. Kaya naman pumikit muna ako.

•••••••

"Klark? Gising na!!," naaalimpungatan ako nang may yumuyugyog sa akin.

"Klark!," napamulat ako bigla nang marealize kong boses ni Ate Sae ang naririnig ko kanina pa.

"Nandito na tayo kaya lumabas ka na diyan. Kanina pa naghihintay si Mrs Park," tumango ako sa kaniya.

Napalaki ang mata ko dahil sa nakikita ko ngayon. Mas maganda pa pala ang A.A (Aeden Academy) sa personal kesa sa mga litrato. Malawak siya. May iba't ibang style yung mga buildings.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon