Enter 50

7.4K 348 6
                                    

[Klark's POV]

Pabalik na kami ngayon sa Academy. Sina Brix, kahapon pa sila bumalik dun.

Naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin kaya tumingin ako sa kaniya.

"Sa daan ka nga tumingin hindi sakin!," sabi ko sa kaniya. Nginitian lang niya ako bago niya kinuha ang isa kong kamay at hinawakan ito.

"Ano bang ginagawa mo CJ? Sa manubela ka nga humawak! Hindi sa kamay ko," sabi ko ulit. Ang tigas ng ulo!

"Just let me hold you hand, ok?," sabi niya. Bumuntong hininga ako bago pumayag. So bale, sa kamay ko nakahawak ang kanang kamay niya samantalang sa kaliwang kamay naman sa manubela.

•••••••••••••••

Pagdating namin sa academy ay agad kaming naupo ni Cj sa couch.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Nagugutom ka?," tanong niya sakin.

Umiling ako.

"Hindi pa naman. Ikaw? Nagugutom ka na?," tanong ko pabalik sa kaniya. Tumingin ako sa kaniya habang nakasandal parin ang ulo ko sa balikat niya.

Tumingin siya sakin pabalik.

"Oo eh," sagot niya.

"Eh di magluluto ako," sabi ko sa kaniya. Tatayo na sana ako nang pigilan niya niya.

"Paano kung ikaw ang gusto kong kainin?," bigla akong namula sa sinabi niya. Bigla akong napalayo sa kaniya.

"Perv!," sigaw ko. Iniharang ko pa ang dalawang kamay ko sa kaniya. He smirks. I gulped. Juice colored. Gagapangin na ata ako ng lalaking 'to. (Ang OA mo Klark hah! Gagapangin agad?)

"Come here baby," malandi niyang sabi. Unti unti siyang lumapit sakin. Umiling iling ako. Agad akong napatakbo kaso....

Aaaaahhhhhhh!!! Nahuli niya ako! Nakayakap na soya ngayon sakin mula sa likod! Gosh!

"I got you baby. Wala ka ng takas sakin," bulong niya sa tenga ko. Napalunok ulit ako. Feeling ko, umakyat na lahat ng dugo ko sa pisngi ko.

Pinaharap niya ako sa kaniya kaya agad akong napapikit. Waaaaaahhhhhhhh!!!! T_T

Nararamdaman ko na ang hininga niya.

This is it

Sobrang lapit na-

"Pfffftt! Hahahahaha. Binibiro lang kita ZK," agad akong napadilat.

Bumitaw na siya sakin at tawa siya ng tawa. Nakahawak pa siya sa tiyan niya. Tinignan ko siya ng masama. I crossed my arms.

"Bahala ka diyan. Mawalan ka sana ng hininga kakatawa," inis kong sabi sa kaniya. Napatigil naman siya sa pagtawa. I rolled my eyes. Tumalikod ako sa kaniya at dumiretso ako sa kwarto ko.

"ZK-"

"Tse! Wag mo akong kausapin! Humanap ka ng pagtitripan mo! Bw*sit ka!," sigaw ko sa kaniya. Nilock ko ang kwarto ko.

"Bw*sit siya! Sobrang nakakabw*sit. Teka...bakit parang disappointed ako na hindi natuloy?," agad kong nailing ang ulo ko.

"Hindi! Imposible yun! Aha! Nakakabw*sit siya dahil pinagtripan niya ako! Tama yun nga!," tang*na. Para na akobg baliw!

Agad kong binagsak ang sarili ko sa kama ko. Kinuha ko ang isang unan at niyakap yun.

Biglang bumukas ang pintuan kaya napatingin ako duon. Mas lalo akong nainis. Paano niya nabuksan yun? Oo nga pala, nasa kaniya pala ang duplicate ng mga susi dito sa dorm namin. Binagsak ko ulit ang katawan ko. Kinuha ko ang kumot at nagtalukbong.

Naramdaman kong umupo siya sa kama ko.

"ZK sorry na...," psh! Bahala ka diyan!

Hindi parin ako umimik.

"ZK...," tawag niya ulit sakin.

Bahala ka diyan!

Inalis niya ang kumot kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kinuha ko ulit ang kumot at nagtalukbong pero kinuha din iyong pabalik.

"Ano bang problema mo? Kung wala kang ibang mapagtripan, pwes wag ako!," sigaw ko sa kaniya. Nakakainis naman kasi! Hinablot ko sa kaniya yung kumot at nagtalukbong ulit. Pero kinuha niya ulit yung p*steng kumot na yun.

Bumangon ako at sinamaan siya ng tingin.

"Ano ba talagang problema mo-," hinfi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita siya.

"I'm sorry okay? Binibiro lang naman talaga ZK. At tsaka.....disappointed ka ba?," bigla akong namula kaya tumalikod ako.

"Mukha mo! Sinong may sabi na disappointed ako? Mukha mo! Ul*l," sabi ko sa kaniya at humiga ulit. Tumalikod ako sa kaniya.

Napasigaw ako nang bigla niya akong pinaharap sa kaniya at napatigil lang ako sa pagsigaw nang halikan niya ako.

Feeling ko mawawalan na ako ng hininga. Pinigilan ko kasi! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. At tsaka! First kissing scene naming dalawa!

Nang bumitaw siya sa halik na yun ay tulala parin ako. At dahil nga tulala parin ako, naramdaman kong dumikit ang labi niya sa labi ko hanggang sa sunod-sunod na yun.

Oh crap! KLARK! GO BACK TO YOUR BODY! MINOMOLESTYA NIYA YUNG LABI MO!

And there! Hahalikan pa sana niya ako nang takpan ko yung bibig niya.

"Tama na! Minomolestya mo na itong labi ko!," sabi ko sa kaniya. Tinaggal niya yung kamay ko sa labi niya.

"Akala ko pa kasi tulala ka parin eh. Sinusulit ko lang," sabay ngiti niya ng pagkalaki-laki. Itinulak ko ng mahina ang noo niya.

"Abusk ka masyado. Paano nalang kung tulog na ako?-"

"Eh di mas sulit yun!," bigla ko siyang nabatukan.

"Abusado ka!," sigaw ko.

Natawa lang siya sa sinabi ko. At walang pasabi sabing niyakap ako at nahiga kasama ako.

"Bitawan mo nga ako," sabinko sa kaniya.

"Hmmm," ungol niya tapos niyakap pa niya ako ng mahigpit tapos isinubsob pa niya ang mukha niya sa leeg ko na naging dahil para mas mamula ako .

"H-hiy! Bitaw ka nga! Umaabuso ka na! Hindi pa tayo pero umaabuso ka na!," sabi ko sa kaniya.

"So, kung tayo na pwede kitang abusuhin," siniko ko siya.

"H-hindi yun ang ibig kong sabihin. Ah basta, umayos ka na!," sabi ko.

"Ayoko!," sabi niya tapos hinalikan pa niya ang leeg ko.

"C-CJ...a-ano ba!!," kinikilabutan ako!

Hindi siya sumagot.

"Huy CJ!," yumugyog pa ako. Pero wala siyang sagot.

Hindi na rin ako umimik.

Ang tahimik!! Tulog ba 'tong kasama ko?

Lumayo ako ng konti sa kaniya at tinignan ko siya. Tulog na pala 'to eh.

Tinitigan ko ang mukha niya. Wala sa sarili akong napangiti. Hinawakan ko ang pisngi niya. Ang gwapo talaga niya. >/////<

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ganito pala yung feeling ng may mahal. Well, except sa pamilya.

Niyakap niya ako ng mas mahigpit. Isiniksik niya ulit ang mukha niya sa leeg ko.

"ZK, I love you," rinig kong sabi niya. T-teka, nananaginip ba 'to?

Pati pala sa panaginip, nakikita at iniisip niya ako.

"I love you too CJ," bulong ko sa kaniya.

"At thank you. Nakalimutan man kita, pero hindi mo ako kinalimutan. Gaya nga ng sabi mo, gagawa tayo ng bagong alaala. Tama ka CJ, gagawa tayo ng panibago. Mahal kita," bulong ko ulit sa kaniya. Niyakap ko siya pabalik


•••••••••••••••••••

*unedited*

VOTE, COMMENT AND SHARE

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon