Special Chapter 2

7.5K 324 4
                                    

(A/N: Every special chapter, kina Jerome at Brix tayo magpo-focus. Bigyan naman natin sila ng chance😁😂)

•••••||

[Brix's POV]

(Itong scenes na'to ay habang nag-uusap sina Jerome at Josh)

Ang tagal naman ni Jerome! Nakatapos na ako ng dalawang kanta pero wala parin siya.

Hindi na ako nakatiis at bumaba na ako sa sasakyan. Bumalik ako sa bahay nila Klark.

Pero pagdating ko dun, nakita kong ang sweet nina Christian at Klak.

"So, mahal mo din ako?,"

"Uh-hu,"

"Anong 'uh-hu'?,"

"Eh...."

"Ano?  Di ka pa ba aamin? Mahal mo din daw ako? Totoo ba yun?"

"Hindi ganyan ang gusto kong sagot mo,"

"Eh ano ba ang gusto mong sagot ko?"

"Gusto kong sagot mo? Dapat ganito, 'Oo poging CJ. Mahal din kita' at tsaka dapat yung with feelings,"

"Pinagtitripan mo naman ata ako eh,"

"Hoy ZK! Bumalik ka dito"

"Ewan ko sa'yo! Bahala ka diyan. Hmmp"

Tumingin ako sa nakatalikod sa akin na si Jerome. Lumapit ako sa kaniya.

Makikita mong sobrang lungkot niya. Aba! Brix! Sino ba namang hindi malulungkot sa lagay nayun!

"Tara na!," sabi ko sa kaniya. Tumango siya pero hindi siya gumalaw, bagkus ay yumuko lang siya. Hindi mo muna inintindi itong nararamdam ko ngayon. Nasasaktan yung taong mahal ko.

Hinawakan ko nalang siya sa kamay at hinila siya.

"Dun ka nalang sa back seat umupo. Ako nalang ang magmamaneho," tumango lang siya sa sinabi ko.

Walang nagsasalita samin hanggang sa makauwi kami sa bahay.

Wala sina mama ngayon. May pinuntahan ulit. Bukas pa ang balik nila.

••••••••••••

Tinignan ko ang oras. Maghahating gabi na pero hindi parin ako makatulog.

Sh*t naman.

Bumangon nalang ako at dumiretso sa kusina.

And to my surprise. Nandun din si Jerome. Wtf!

"Jerome! Bakit ka umiinom?," gulat kong tanong.

Tinignan niya ako bago ngumiti.

"Gusto ko lang makalimot Brix. Kahit saglit lang," sabi niya. Lumapit ako sa kaniya at kinuha sa kaniya ang canned beer na hawak niya.

"Tama na yan. Madami ka ng nainom," sabi ko sa kaniya. Umuling siya.

"Hindi ah. Apat palang yung nainom ko eh," sabi naman niya.

"No. Tama na yan. Matulog ka na," giit ko.

"Brix, kahit ngayon lang. Gusto ko lang talagang makalimot kahit saglit lang. Kahit ngayon lang. Baka sakaling kapag nalasing ako at paggising ko, wala na 'tong sakit na nararamdaman ko," kinuha niya sakin yung beer na hawak ko.  Bumuntong hininga ako bago umupo sa tabi niya.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon