Enter 75 (Part 2): So, It's A Goodbye

6.7K 216 6
                                    

[Klark's POV]

Malapit ng magsimula ang klase pero wala parin si CJ.

Hindi pa alam nina Brix na hiwalay na kami ni CJ.

"Hoy Klark! Asan boyfriend mo? Bakit wala pa? Hindi ata kayo nagkasabay?," tanong sa akin ni Brix. Napayuko ako. Naiiyak na naman ako.

"Wuy! Anyare sa'yo? Nag-away ba kayo-" pinutol ko siya sa pagsasalita.

"Nakipaghiwalay na ako sa kaniya," pagpupuputol ko sa kaniya na nakayuko parin.

"A-ano? Bakit?? G*go ka ba?"-Brix

"May d-dahilan ako Brix. Kilala mo ako. Hindi ako gagawa ng isang bagay na ayaw ko kung wala akong dahilan," sabi ko sa kaniya. Buti nalang nasa likod kaming dalawa at walang makakarinig sa amin.

Tinapik niya ako sa balikat.

"Oo nga naman. Pero......pero sana maayos niyo yan. Sana magkabalikan kayo. Nakakapanghinayang kasi eh. Sa ilang taon nating magkaibigan, sa kaniya ko nakita ang pagmamahal na hindi kayang ibigay ng kahit sino. Meron pa naman siguro na kagaya niya pero hindi lahat. Nakikita kong gaano ka niya napapasaya kahit isang simpleng bagay lang. Ayusin niyo yan, okay?, "sabi niya.

" Salamat pero sa tingin ko, hindi na namin to maayos," bigla niya akong binatukan.

" Ewan ko sa'yo. Ah basta. Nararamdaman ko, kayo parin hanghang huli. Maniwala ka sa akin, " napailing nalang ako.

Napatingin ako sa pumasok. Akala ko si CJ, yung teacher na pala namin. CJ, nasaan ka na? Oo, alam kong waka na akong karapatan na hanapin siya......pero hindi ko maiwasan.

Lunch time na pero wala parin siya. Nagsimula na naman akong kabahan. Pumunta ako sa dorm pero wala siya dun. Nandun rin yung gamit niya para sa school. Tinignan ko siya sa kwarto niya pero wala parin.

Lumabas na ako sa dorm at napagdesisyunan ko nalang na bumalik na sa Academy.

At ganun parin, walang CJ na pumasok. Hanggang sa maggagabi na pero wala parin siya. Hinanap ko na siya sa buong campus pero wala talaga. Gosh! Naupo ako sa bench pero saglit lang yun at umalis na ako dun.

Napatigil ako sa paglalakad nang tumunog ang phone ko. Bigla akong nabunutan ng tinik nang makita kong si CJ ang tumatawag.

"Hello CJ?"

[Hello s-sir Klark?]

Napakunot ang noo ko nang ibang boses ang sumagot.

"S-sino 'to?"

[Si Jake po ito. Ah sir Klark, pwede niyo bang sunduin si sir Christian dito? Lasing na lasing na po siya. Ayaw niya pong magpaawat]

"A-ano? S-sige. Pupunta na ako diyan"

*call ended*

Si Jake ang bar tender sa bae na pagmamay ari nina CJ. Since sa kanila yun, pinapayagan siyang pumasok dun kahit wala pa siyang 18.

Agad akong pumara ng taxi at sinabi ang address.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Sinalubong ako ng ibang staff ng bar nila CJ at sinabj sa akin kung nasaan siya.

Nasa isang sulok siya at umiinom. Halatang lasing na lasing na dahil inaaway na niya ang nagpupumigil sa kaniya.

"CJ! Tama na yan! Lasing ka na!," sabi ko sa kaniya at kinuha ang baso na may alak.

Tinignan niya ako ng masama.

"Uyy!!! Shino ka? Alam mo *hik*kamukha mo shiya! *hik*," tumawa pa siya pero bigla siyang umiyak.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon