Enter 75 (Part 2): So, It's A Goodbye

Start from the beginning
                                    

"Alam mo? Ang shakit *hik*. Lalo na dito sha *hik* p*t*ng*nang puso na'to! Hahhaha! *hik* Tara, inom tayo," sabi pa niya.

"Tama na yan. Uuwi na tayo"

"Ano? Wala! Walang uuwi! Wala ng saysay ang pag-uwi ko dahil wala naman na siya dun pag-uwi," gusto kong umiyak dahil ayaw kong makita siyang ganito.

Hinila ko nalang siya ng sapilitan habang umiiyak. Pinabayaan ko nalang ang mga matang nakatingin sa amin. Ang mahalga, makauwi na siya.

Nang makalabas kami ay hinarap ko siya. Bigla niya akong niyakap. "Love. Nandito ka. Makikipagbalikan ka na ba sa akin? Ha?," hinawakan pa niya ako sa magkabilang pisngi.

Inalis ko yun at nag-iwas ng tingin.

"Uwi na tayo. Lasing ka na,"bigla siyang lumayo sa akin. Bigla siyang lumuhod at hinawakan ako sa kamay.

"CJ, tumayo diyan! Umuwi na tayo!," sabi ko sa kaniya. Umiling iling siya.

"Hindi ako tatayo hangga't hindi ka nakikipagbalikan sa akin! Please ZK. Balik ka na sa akin. Gagawin ko ang lahat para lang wag ng makialam si Dad sa relasyon natin. Please Love," pagmamakaawa niya. Umiwas ako ng tingin at umiyak. Kung pwede lang CJ. Kung pwede lang. Huminga ako ng malalim.

" Ano ba CJ?! Hindi ka ba nakakaintindi? Diba sabi kong ayaw ko na? Alin ba dun ang hindi mo maintindihan? A.YO.KO.NA!, " pwersahan kong inalis ang kamay noyang nakahawak sa akin.

"ZK-"

"Ano ba C-CHRISTIAN! Tama na!," bigla siyang natigilan dahil tinawag ko siyang Christian. Galit, galit ang nakita ko sa mga mata niya. Tumayo siya at tumalikod sa akin. Naglakad siya papunta sa kotse niya. Halos hindi na nga soya makalad ng maayos eh!

Pumasok siya at pinaandar ang kotae niya.

"CJ!!! Wag kang magmamaneho! Lasing ka na! Baka madisgrasya ka!"

"Ano naman sayo? Wala akong pakialam kung madisgrasya ako!," sigaw niya at pinaharurot ang kotse niya.

Napalaki ang mata ko nang bigla siyang nabangga sa isang puno.

"CJ!!!!!!!," sigaw ko. Tatakbo na sana ako nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Buti nalang dumating ang mga staff sa bar.

"Si CJ....," bulong ko.

°°°°°°°°°°°°°°°°

Pagkagising ko ay nalaman kong nasa hospital pala ako.

"Sir Klark. Buti gising na po kayo," bungad ni Jake sa akin.

"Si CJ? N-nasaan siya?"

"N-nasa Operating Room pa po," sagot niya kaya agad agad akong lumaba. Pinigilan pa niya ako pero hindi ko siya pinakinggan.

Pagkarating ko sa operating room ay siyang paglabas ng doctor.

"Doc? Kamusta po si CJ?," agad kong tanong.

"Kaano-ano ka ni Mr Park?"

"K-Kaibigan po niya ako"

Well, he's okat now but we need to monitor him. Kung hindi siya magigising within 24 hours, sad to say, he's is coma," bigla akong naiyak. Umalis na ang doctor. Pumasok ako sa room kung nasaan si CJ. Mas lalo akong naiyak nang makita kong maraming apparatus na nasa katawan niya. (Hindi alam ni Author ang mga pangalan ng gamit sa hospital!)

"CJ.....," umiiyak akong binanggit ang pangalan niya.

Ngayon, naaalala ko na ang lahat. Mula nung una. Mula sa kung paano kami nagkakilala. Bago ako nagising, nanaginip ako. Na yung mga napapanaginipan ko noon ay totoo palang nangyari. Ngayon, bumalik na yung mga alaala ko. Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Tita Aubrey. Pagtayo ko ay sinampal niya ako.

"Tignan mo! Tignan mo kung anong ginawa mo sa anak ko! Nadisgrasya dahil sayo! Sana nung una palang, hindi na ako pumayag sa gusto niya para hindi mangyari 'to!,"sigaw niya sa akin. Oo masakit. Hindi yung sampal niya kundi ang mga sinabi niya sa akin.

"Umalis ka"

"Pero T-Tita-"

"I said leave! Ayoko ng makita ka pang pumunta ka rito kung hindi, tatanggalin ko ang scholarship mo," madiin na sabi niya.

"UMALIS KA NA!," sigaw niya ulit. Kahit ayaw ko, umalis nalang ako. Umiiyak akong bumalik ng campus.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Dalawang buwan. Dalawang buwan na akong gabi gabing umiiyak. At ngayon, katatapos lang finals namin. At napagdesisyunan kong uuwi na agad sa amin.

Dalawang buwan narin pero hindi pa nagigising si CJ.

Siguro kailangan ko na talagang kalimutan si CJ. Siguro mas mabuting sa amin nalang ako magpapatuloy sa pag-aaral.

Goodbye Aeden Academy.

°°°°°°°°°°°°°°°°°
A/N: Awww😭 Epilogue na ang susunod😭 Feeling ko, ang lame ng chapter na'to😭 feeling ko ang corny😓

*unedited*

Entering All Boys' School (boyxboy)Where stories live. Discover now