Does everyone loves a monster?

373 8 1
                                    


Gaya sa pamagat.talaga nga bang pwede nating mahalin ang isang halimaw? Malamang ang isasagot ng ilan ay hindi dahil nakakatakot ang mga halimaw.pero sa kaso ko mukang hindi naman lahat ng monster ay dapat katakutan



Laking maynila ako,at dahil nasa kabaihasnan at syudad yung ugali ko parang ewan.maraming nagsasabing matalino raw akong binata pero ginagamit ko naman daw sa kalokohan.aaminin kong siraulo ako,dalawang beses lang sa isang linggo kung um-attend ako ng klase dahil mahilig ako maglaro ng dota sa computershops.



One time nalaman yun ng mama at papa ko.pinatawag kasi sila ng teacher ko.kinompronta ako ni mama kinagabihan at galit na galit si papa sakin.sobra na raw ang pagiging pasaway ko at kaylangan na raw putulin yung sungay ko.ang siste pinadala nila 'ko sa bicol sa lola ko in my mother's side.noong una ayoko kasi probinsya yun eh alam naman nating boring ang pamumuhay sa probinsya.ang masaklap pa binawi nila mama yung selpon ko at wala akong dalang kahit na anong gadget para raw magtanda ako



Tanging pera pamasahe at baong pagkain ang dala ko kasama na ang iilang damit ko.doon daw muna ako ng dalawang buwan since magbabakasyon na.syempre labag talaga sa loob ko kasi malalayo rin ako sa mga tropa at kalaro ko sa dota pero wala akong nagawa kundi sumunod nalang



Ng makarating ako sa mismong lugar nila lola medyo natatakot ako..ang lalayo kasi ng distansya ng mga kapitbahay at bawat daanan merong mga punong naglalakihan,puro pa matataas ang mga talahib sa mga bakanteng lote na parang tapunan ng mga nasa-salvage na bangkay,naisip ko rin na baka may NPA pa rito kaya mas lalo akong kinabahan.napansin ko rin nung nagbabyahe kami sa habal-habal eh wala talagang poste ng ilaw sa paligid,nakakatakot kapag gabi at sabi nung driver sakin na dito raw talaga,alas-sais palang ng gabi wala ka ng makikitang tao sa kalsada at kung meron man eh bilang lang



Never kong mai-imagine na dito ako sa lugar na 'to mananatili ng dalawang buwan.malayung-malayo kasi sa maynila na kinalakihan ko pero sabi nung driver sa una lang daw at masasanay rin ako sa buhay sa probinsya.sabi pa nga nya kapag raw tumagal ako rito ay mas nanaisin kong dito na manirahan at aayawan na ang maynila.sa isip isip ko never mangyayari yun.



Sa mga ilang araw ko eh wala naman akong masasabi..boring dahil kakain kalang,matutulog,tapos linis ng konti ng bahay kasi sila lolo at lola nagtatrabaho sa palayan mga isang kilometro ang layo mula sa bahay kaya naiiwan akong mag-isa araw-araw at babalik lang yung dalawa kapag kakain ng tanghalian tapos nun aalis ulit at babalik dito kapag alas-singko ng hapon.


Minsan inutusan ako ni lolo na bumili ng ulam sa palengke.nagkaroon ako ng isang kaibigan si Rico.sya ang sumama sakin sa palengke dahil hindi ko naman alam kung saan ako dadaan.kalalaki kong tao may bitbit akong bayong na lalagyan daw ng mga bibilhin.nung nagpunta na kami sa palengke ay mabilis naman kaming nakabili.napatingin ako dun sa tindahan ng mga repolyo.napa-shit ako kasi may babaing bumibili..ang ganda-ganda nya



"John anong nangyari sayo?" Nun sinabi ko kay rico kung kilala nya yung babae..morena sya tapos matangkad,naka-off shoulder syang damit na bulaklakin at hanggang tuhod na palda.tipikal na pormahan ng probinsyana pero natural sa ganda so syempre,alam ko ng na-love at first sight ako ng mga oras na yun..ganun kasi ang tipo ko at kahit maraming magaganda sa maynila pakiramdam ko anghel yung babaeng tinitignan ko


"Naku john hindi mo gugustuhing malaman ang kahit na ano tungkol sakanya!"


"Bakit naman? Eh ang ganda-ganda nya nga oh!"



"Si Jane yan anak ni aling estella.alam mo bang usap-usapan dito sa bayan na may lahi silang aswang? Kaya yang si jane ilag sa mga tao.wala ring nagtatangkang manligaw sakanya kahit pa maganda sya kasi nga takot ang lahat na baka kainin sila" napatingin ako sa muka ni rico pero seryoso sya.muli akong tumingin dun kay jane na ngayon ay nakatingin sa pwesto namin,kumaway ako at ngumiti pero yumuko lang sya tapos nagmadaling umalis



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon