sa lababo

2.8K 55 3
                                    

"Punyetang lababo na 'to..!"



Naabutan ko si kuya lando na nakasimangot habang panay sundot ng alambre sa lababo..nilapitan ko sya



"Kuya ano nanaman ang problema mo sakanya!"..nagbibiro kong tanong habang naka-nguso sa lababong inaayos nya



"Haynaku..tignan mo nga lisa oh sa ikasampung pagkakataon ayan nagbara nanaman!"...iritang sabi nya habang patuloy sa ginagawa..napatingin ako at nakitang umaapaw na ang tubig na may mabahong amoy..may nakalutang na kanin tapos yung tubig malabo saka masebo..napangiwi ako



"Bakit kaya laging ganyan yan kuya?kung ako sayo magpatawag ka na ng mag-aayos dyan..kapag panay sundot ka lang walang mangyayari dyan eh!"..sabi ko sabay akyat sa kwarto ko para makapagpalit ng damit




Kinagabihan ng matapos kumain ay nagpasya ng matulog ni kuya dahil may pasok pa sya bukas..isa syang propesor sa pampublikong unibersidad


Ako na ang naiwan sa kusina para maghugas ng mga pinagkainan namin..ng matapos ay aalis na sana ako sa lababo pero nakita kong lumulobo ito..nilapit ko ang muka ko pero wala naman akong nakita..napailing nalang ako..siguro'y malaki na ang sira ng lababong 'to at tinotoyo nanaman




Kinaumagahan pinapunta ko sa bahay si merry..kaklase ko para gumawa ng project since kaming dalawa ang mag-partner



"Nakakainis!".nakasimangot kong sabi habang nakatitig sa lababo..lumapit sakin si merry



"Bakit?.anong problema mo?".tanong nya..nginuso ko yung lababong umaapaw nanaman..lumapit sya doon at nagulat ako ng ilusot nya sa butas yung daliri nya..pag-angat nya ng kamay nya ay may mga buhok syang nakuha..pinakita nya iyun sakin



"Matagal na bang nagbabara itong lababo nyo?"..tanong nya


Tumango ako..

"Ano bang madalas mong makuha kapag sinusundot nyo 'to?"..tanong nya ulit



"Kanin na panis..pero kadalasan buhok..si kuya nga tinanong ako kung naglalagas ba buhok ko at dito ko tinatapon..sinabi kong hindi..hindi rin naman daw sya ang may-ari ng buhok!"...sabi ko



Kinuha nya ang phone sa bag nya saka may tinawagan..maya-maya pa ay may dumating..pagbukas ko ng pinto ay bumungad ang pamilyar na lalaki na nasa mid 30's..pinapasok ko sya since kilala daw yun ni merry



"Sya ang madalas mag-ayos ng barado naming lababo o bowl sa cr..sya si mang,bert!"..sabi ni merry..nagpakilala ako pagkatapos nun ay nagsimula ng ayusin ng lalaki ang lababo


Pinagtatanggal nya ang lahat..hanggang sa matanggal nya ang mahabang tubo na nagkokonekta sa lababo..bumungad ang mabahong amoy..sinira nya iyon na syang ikinagulat ko..bakit nya sinira..?!patay ako nito kay kuya..



Pero hindi yun ang lubos na nagpahilakbot sakin pati na kay merry..napasigaw kami ng makuha ni mang,bert ang isang naaagnas na ulo na may napakaraming buhok











***********************************************************************

A/N:...habang naliligo ako..ayan nagbara yung butas na nilalabasan ng tubis..sayang nag-shower pa naman ako..habang tinatanggal ang buhok ay naisip ko ang kwentong 'to kaya sinulat ko agad..

P.S.: sinabi ko kay mama dahil chineck nya dahil sinabi kong maraming buhok sa banyo..nag-joke ako sakanya na sinabi kong baka may ulo ng tao na dahilan para magbara..ayun ang resulta..isang pagkalakas-lakas na batok ang inabot ko..
Tigilan ko na raw kaka-drugs..:3

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon