the weirdest hi ever

2.1K 33 0
                                    

Tayong mga pilipino ay likas na magalang.kapag may mga kakilala tayo o kahit hindi ang nasasalubong natin sa daan ay napapa-hi o hello tayo sakanila,pero hindi lahat ng greet ay nakakapagpa-ngiti dahil ang ilan ay nakakapanindig balahibo gaya ng karanasan ni mila


************************************************

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko at hinahanap ang mga xerox ng project ko para maipasa bukas,langya naman kasi kapag nakakainom ako sa gabing gaya nito ay kung saan-saan ko nalang nilalagay ang mga gamit ko..kapag kinabukasan tuloy eh naghahanap ako ng sobra


Medyo hilo parin ako dahil sa nakailang tagay ako dun sa labas bago umuwi dito sa tintuluyan kong condo unit,tapos samahan pang nasa ika-15th floor itong kwarto ko kaya pagod ako




Umaambon-ambon pa sa labas at kita ang mga patak ng ulan sa nakabukas kong bintana kaya medyo malamig narin sa paligid



"Pssst,pssst!"..nahinto ako sa pagkakalkal sa cargo box ng makarinig ng ganun.baka imagination ko lang dala ng kalasingan kaya tinuloy ko ulit ang paghahanap sa xerox pero--




"Psst,psst,dito,tingin ka dito".sabi ng kakaibang boses,otomatik namang napatingin ako sa bintana at nakita roon ang dati kong kaklase,napangiti ako saka sya nilapitan




"Oy,anong ginagawa mo dyan?gabi na ah!"..sabi ko sakanya,may inabot sya sakin at ng makita ko ay napangiti ako lalo,yung xerox na hinahanap ko,basa na sya ng konti


"Hi,yan ang hinahanap mo diba?",sabi nito tumango ako saka na sya nagpaalam na uuwi na raw,sabi kong ingat sya at maulan,bumalik na ulit ako sa kama ko habang tinitignan ang xerox




Pero ng may sumagi sa isip ay saglit akong napatitig sa bintana,nanlaki ang mga mata ko dahil doon,.



Eh dalawang taon ng patay yung kaklase kong yun ah!inatake noon ng hika,.saka natawa ako ng isiping nasa ika-15th floor pala ko..ang tangkad naman nya kung ganun




"Pero dala lang ba yun ng kalasingan o imagination ko?!"

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon