retouch

4.3K 102 2
                                    

Isa ito sa mga kwento sa libro ng collection kong true philipine ghost stories na english..trinanslate ko nalang sa tagalog..

Anywayz..maganda 'tong storya na 'to na nabasa ko lang..

.............................................................................................................................
(Additional story)

Ang university na pinapasukan ko ay isa sa mga kilala hindi lang sa ganda at maraming matatalino..kundi dahil sa mga multo narin..hindi ko na babanggitin ang pangalan ng university dahil proteksyon narin pero isa ito sa pinakamatandang unibersidad sa bansa..

Pang-gabi ang sched ng klase ko pati na ng mga kaibigan ko..magkakaklase kami sa ilang subjects kaya naman sabay kami palagi kung pumasok..

Si thea..isa sa mga kaklase at kaibigan kong babae..ay madalas mag-retouch pagpasok o pag-uwi palang nya galing sa school..

Sabay-sabay na kaming umakyat sa ikaapat na palapag para pumunta na sa next subject namin..nakarating kami ng ilang minuto at wala pa ang professor namin kaya nagpaalam muna si thea para mag-retouch sa cr..

Habang nakikinig kami sa prof na nakatalikod samin at nagsusulat sa white board ay biglang nagtatatakbo papunta samin si thea na pawisan at umiiyak pa..halos magwala sya at umiiyak..pinakalma namin sya para hindi kami palabasin ng prof namin..sinabi ko sakanyang ikwento nya nalang ang lahat pagkatapos ng klase..

Thea's pov

Pumunta ako sa ladies cr para mag-ayos..sinuklay ko ang buhok ko..naglalagay na 'ko ng mascara ng biglang may pumasok na studyante rin dito dahil sa uniporme..bigla syang tumabi sakin..

"Ang ganda naman ng mascara mo..bagay sayo" sabi nya sa malamig na boses

Hindi ko nalang sya pinansin at naglagay na 'ko ng lipstick..

"Ang ganda naman ng kulay ng lipstick mo..parang dugo sa pula pwede ba 'kong humiram?" babae

Nakaramdam ako ng pagkadis-gusto sa babaeng yun.hindi pa naman ako madalas magpahiram ng gamit lalo na ang make-up kits..iiling na sana ako pero napansin ko ang pamumutla nya..

"Oh ayan!!gamitin mo..mas kaylangan mo yan dahil ang putla mo may dugo kapa ba?..para kang papel" sabi ko saka pasalampak na nilagay ang lipstick tube sa harap nya..dahan-dahan naman nya yung kinuha at nagpahid ng kakaunti sa labi nya

Ng matapos ay binalik nya ang lipstick tube sa pinaglapagan ko kanina..humarap sya sakin ng nakangiti..kumakaway pa sya ng parang sa miss,universe

"Maganda na ba 'ko?" tanong nya..

Binalik ko ang lahat ng make-ups ko sa bag at tinignan sya ng pataray..mula ulo pagtapat ng paningin ko sa paa nya ay nanlaki ang mga mata ko..

Dahil hanggang palda lang at wala na syang paa..parang nakalutang sya sa hangin..pag-angat ko ng tingin sa muka nya ay mas lalo akong natakot..

Kasing laki ng plato ang mata nya at halos punit na ang labi nito.nakangiti sya sakin habang papalapit..

"Maganda na ba 'ko?" malakas na bigkas nya..

Bigla akong napasigaw saka nagtatatakbo paalis ng banyo..naiwan ko pa ang bag ko pero wala na 'kong pakialam hindi ko akalain na multo pala ang pinahiram ko nang lipstick ko..

Kaya nung bumalik ako sa klase ko ay dun na 'ko nagpapanic at umiyak sa takot..

End of flashback

Halos magulat ako sa kinuwento nya pati na ang ibang nakikinig..nagpasama pa sakin si thea pagkatapos raw ng klase ay kung pwede ko raw ba syang samahan sa banyo dahil naiwan nya ang bag nya roon..

Ng papunta na kami ay kumapit sya sa braso ko at pinapauna nya 'kong pumasok..ang lamig ng kamay nya at nanginginig pa..nauna na 'kong tumuloy habang nasa likuran ko sya..

Nagulat kami sa nakita dahil sa mga gamit nyang nagkalat sa tiles ng cr..mapa-eyeliner,mascara pati na ang lipstick nya ay nasira na rin at mas nagulat ako sa nakita sa salamin..napasigaw naman si thea

"MAGANDA NA BA 'KO..?" yun ang nakasulat sa salamin gamit ang pulang  lipstick..

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon