Sanib1

3.3K 54 2
                                    

Kaming magbabarkada na sila jared,nina,lawrence at ako ay magkakaibigan since high school days hanggang sa mag-college kaming apat ay ganun parin ang turingan namin..parang sa magkakapatid..

Pero ganun nalang ang bighati at lungkot na nararamdaman namin ng mawalan kami ng isang miyembro..

Nangyari ito last year..

Pumunta kaming apat sa isang sikat na bundok para mag-hiking..adventure narin..napagplanuhan na kasi namin ang gumala kapag weekends..

Gabi na ng nakarating kami sa bundok na yun at naisipan na naming itayo ang mga dala naming tent..pagkatapos ay kumain muna kami..nagkantahan gamit ang gitara na dala ni lawrence..nagkwentuhan ng kung anu-ano hanggang sa maisipan na naming matulog since napagod kami sa maghapong paglalakad paakyat sa bundok..

Kasama ko sa isang tent si nina samantalang si lawrence at jared naman sa isa..

Nakarinig ako ng kaluskos pero pinagsawalang bahala ko yun..pero ng makapa kong wala si nina sa tabi ko ay napabalikwas ako ng bangon at sinuyod ng tingin ang kabuuan ng tent..walang bakas ni nina..san nagpunta yun?..

Naisip kong baka umihi lang sya kaya hindi ko na pinansin..pero agad akong napadilat ng mga mata ng marinig ko maya-maya ang biglaang pagsigaw isang boses babae..si nina..!!

Agad akong lumabas ng tent..wala akong pakialam kahit madapa-dapa na 'ko sa sobrang pagmamadali..nasalubong ko sila lawrence at jared na halatang bagong gising..

'Anung ingay yun?'--lawrence

'Asan nga pala si nina?'--jared

'Hindi ko alam..basta pag-bangon ko wala sya sa tabi ko..'--ako na halatang kinakabahan

'Di kaya sya yung naririnig nating sumigaw..?sh*t..!'--agad na nagpanic sila lawrence..
Hawak ang mga nakuha naming flashlight ay handa na kaming umalis para hanapin si nina..pero nagulat kami ng may biglang nagsalita sa mismong likuran ko..

'San kayo pupunta?..bakit narito pa kayo?'--napalingon kaming lahat..si nina lang pala na nakatitig saming tatlo..

'Nina..okay ka lang?..ikaw ba yung narinig naming sumigaw?what happen.?--jared

Blangko lang ang ekspresyon ng muka ni nina na syang kinataka ko..parang may iba 'kong kutob pero ano kaya..?!..

'Umihi lang ako..saka wala naman akong narinig na may sumigaw..baka nanaginip lang kayo..matulog na tayo.'--sabi ni nina sabay pasok sa tent namin..nagkatinginan pa kaming tatlo bago pumasok sa kanya-kanya naming tent at natulog..

Pagpasok ko sa tent ay nakita ko syang nakaupo lang at parang may malalim na iniisip..ipinagkibit-balikat ko nalang at natulog na..

Ng umaga na ay nagdesisyon na kaming bumaba at umalis ng bundok tutal linggo na at bukas ay may pasok nanaman..

Kinaumagahan ng lunes ay nagkita-kita ulit kami at gaya ng dati..masaya ang araw namin..pero may napansin akong kakaiba kay nina..lagi syang tulala..hindi kumikibo..minsan pag-tatawagin namin sya ay hindi nya kami papansinin o di naman kaya lalagpasan nya kami..

Minsan nahuli ko sya sa ladies room na nakangisi habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin..masama ang titig nya na parang may masamang iniisip..kakalabitin ko sya tapos tititigan lang nya ko saka na aalis sa cr..

Isang araw na wala pa sila jared at lawrence..hinihintay ko sila sa tambayan namin ng makita ko sa kabilang kalsada si nina..may tinititigan sya..tinignan ko kung ano yun at nagulat ako ng makita ang isang daga na nakalutang habang kumikiwal-kiwal pa..binalik ko ang tingin kay nina..

Pero ganun nalang ang gulat ko ng makitang wala na si nina sa kinatatayuan nya kanina..nagsisismula na 'kong kabahan sa kakaibang inaakto nya..

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon