katok sa pinto

3.4K 68 7
                                    

Nakatira ako sa isang village kung saan may katabi itong mapunong bakanteng lote..parang gubat na ang itsura nito dahil sa mahahaba narin ang mga damo saka mga naglalakihang puno..

Lagi akong natutulog ng hatinggabi dahil madalas akong magbasa ng mga libro..saka mayroon din akong insomnia kaya ganun..

Isang gabi..habang nasa sala at naka-upo sa sofa,abala ako sa pagbabasa ng may biglang kumatok...noong una ay hindi ko pinapansin pero tumagal ng ilang minuto..naka-limang katok na kaya alanganin kong binuksan..

Bumungad sakin ang lalaking matangkad..naka-all black sya at naka-sumbrero..

'A-ano pong kaylangan nila.?'----tumingin pa 'ko sa paligid.may mga nakatambay pa naman sa malayo..hindi ko malaman kung dito ba sila banda nakatingin sakin

'Pwede ba 'kong makainom ng tubig?'----Sabi ng lalaki sa malaking boses..medyo nakaramdam ako ng konting kilabot dahil sa itsura nya saka sa boses nya..

'S-sige po..sandali lang po at ikukuha ko po kayo ng tubig..!'---Pagkasabi ay pumunta ako sa kusina..medyo ang weird naman nun..kumatok para lang makiinom?wala bang tubig sakanila..

Bumalik ako at inabot sakanya ang basong may lamang tubig..pinagmamasdan ko lang sya..pagkatapos ay inabot nya sakin ulit ang baso na wala ng laman..

'Sandali lang po at ibabalik ko lang 'to sa kusina..'----Magalang na sabi ko sakanya..balak kong pumunta sa kusina para bigyan narin sya ng makakain..pagtalikod na pagtalikod ko palang ay may nagsalita..

'Jenn anong ginagawa mo?'----Paglingon ko ay si Sam na ang nasa pinto..may kasama na syang tatlong kabarkada..

Humarap ako sakanila..nagpalinga-linga ako sa paligid namin pero wala na ang lalaking bibigyan ko sana ng pagkain..

'Ah..kayo pala sam..pupunta sana ako sa kusina para bigyan ng pagkain yung lalaki kanina..nakita nyo ba sya?'----Tanong ko sakanila

Nagkatinginan silang apat sabay baling ulit ng tingin sakin..medyo ang weird ng tingin nila

'Jenn kaya kami pumunta dito kasi nakikita ka namin kanina pa..nakatayo ka dito sa pinto nyo..may hinihintay ka ba?'---Sam

'Sam..may lalaki kasi dito..nakiinom ng tubig..balak ko nga sanang bigyan ng pagkain kaya lang dumating kayo..nahiya ata sainyo kaya umalis nalang..'----Sabi ko sakanila

Nagtawanan sila..

'Yun na nga jenn..kanina pa kami nakatambay dun sa malayo..si marvin nga ang unang nakakita sayo..sabi nya parang may hinihintay ka kasi nakatayo ka pa dito sa pinto nyo..'----Sam

Maang lang akong nakatingin sakanila..

'Saka bakit ka ba may hawak na baso..?!'----Sam na nakatingin sa hawak kong baso

'Pinainom ko nga si ku---

Napatingin ako sa basong hawak ko at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng makitang walang bawas ang tubig..puno parin ito..

'Jenn..dala lang yan ng antok..alas-dos narin ng madaling araw..itulog mo nalang yan..'----Pagkasabi ay bumalik na sila sa tinatambayan nila kanina..

Hindi naman agad ako nakagalaw sa sobrang pagtataka..at takot narin..

Hindi ko alam pero nabaling ang tingin ko sa katabi naming gubat..imposible talagang walang tao dahil kumatok sya sa pinto at nakita ko pa kung paano sya uminom

Agad ko nalang sinara ang pintuan..

Paakyat na sana ako sa kwarto ko ng bigla nanaman akong napahinto..

'May kumakatok nanaman sa pinto..'

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon