ang ref sa bahay ni aling bea

4.3K 86 0
                                    

Mahilig ka bang bumili ng secondhand na refrigerator?.o kaya naman ay antique?!..o bigla ka nalang bang bibili sa isang taong hindi mo naman kilala at hindi mo alam ang istorya ng nakaraan ng gamit na nasayo?!..gaya nalang ng karanasan ni mica at sa ref ni aling bea.




"Mica..bui nalang at nagsabi kang dito ka manunuluyan..buti nalang at nakapag-handa na 'ko ng pagkain at saka naihanda ko narin ang magiging kwarto mo." Sabi ni aling bea



Napangiti nalang ako at tumango..nalipat kasi ako sa bagong factory ng mga shampoo't-sabon..naisipan kong mas makakalapit ako at makakatipid sa pamasahe kung manunuluyan ako rito kay aling bea na kumare ni mama






"Salamat po at pumayag kayo aling bea..kayo lang din po kasi ang kakilala ko rito sa lugar nyo"  ako habang inaayos ang mga gamit na nasa bag



"Naku wala yun!..ang laki rin naman ng naitulong ng pamilya nyo sakin noon eh"


Ng sumapit ang gabi ay tahimik na sa buong baranggay..hanggang sa may narinig na kalabog si mica na nanggagaling sa ibaba..dala ng kuryosidad at pagkaramdam ng uhaw ay bumaba na sya




Napatitig sya sa kabuuan ng baba..medyo luma na nga talaga ang bahay..napatingin si mica sa kinalalagyan ng ref ng makarinig ng kakaibang kalabog




Hindi nya alam kung bakit pero nagtaka sya..napansin nyang kulay puti ang ref kanina pero bakit ngayon ay kulay pula na ito?!



Pero dahil maliit na bagay lang ay hindi ganun inintindi ni mica.naglakad nalang sya para kumuha ng malamig na tubig..ng buksan ang ref para kumuha ng tubig ay agad nya itong sinara..halos masuka sya..bakit ang baho..?!amoy patay na ewan..!!hindi ba ito nilalagyan ng kahit uling ni aling bea?




Sa halip ay sa gripo nalang sya kumuha..pagkatapos uminom ay saglit nyang sinulyapan ang ref..ang weird lang talaga..kaya umakyat nalang sya sa taas para matulog ulit



Ng sumapit ang umaga ay magkasabay na silang mag-almusal ni aling bea..maaga kasing pumapasok sa paaralan ang dalawang anak nitong dalaga..naalala ni mica ang weird na nararamdaman nya kaya nagtanong sya




"Aling bea..kagabi po kasi ay nakarinig ako ng kalabog..ng bumaba ako rito para tignan kung ano yun eh wala naman po akong nakita..pero ang nakapagtataka po ay yung ref nyo"


Nahinto naman sa pag-subo si aling bea at napatitig narin sa babae..kumunot ang noo nito


"Bakit mica..?ano'ng problema sa ref ko?!"


"Kasi po kagabi ay kulay pula sya..tapos ngayon nanaman po ay puti..saka nung buksan ko po para kumuha ng malamig na tubig ay muntikan pa po akong sumuka..para po kasing amoy patay na hindi ko po maexplain"

Napangiti si aling bea.


"Iha..baka dala lang ng pagod mo kahapon ng maglipat ka rito kaya kung anu-ano ang nakikita't-naaamoy mo.!" Ani aling bea


"Siguro nga po" pinagkibit-balikat nalang ni mica saka binalik ang atensyon sa pagkain



Ng sumapit nanaman ang gabi ay muling nakarinig ng kalabog sa ibaba si mica pero sa mas lalo itong matagal at maingay kumpara kagabi..hindi makatulog si mica..kahit anong pag-iignora nya ay naririnig nya parin ang malalakas na kalabog..kaya inis syang bumaba



Pero ganun nanaman..walang tao..ayos naman ang mga kagamitan..walang kahit anong bakas na may nalaglag na gamit o ano pa man



Ano ba 'tong bahay na 'to?minamaligno na ata?!



Muli syang napalingon sa ref ng mapansing doon nanggagaling ang kalabog..nagtataka talaga sya dahil kulay pula nanaman ito gaya kagabi..napapaisip na sya



Saglit syang tumayo sa harap ng ref..naisip pa nyang high tech siguro iyon dahil pag-sapit ng gabi ay nag-iiba ng kulay at may ingay..pero sino bang niloloko nya..?!wala pa naman syang nakitang ref na automatic na mag-iiba ng kulay sa gabi at magkakaroon pa ng ingay..medyo natakot sya




Kaya imbis na usisain ay nagtatatakbo syang umakyat ng kwarto at dun nagtalukbong ng kumot



Hanggang sa dumating ang gabi na mag-isa sya sa bahay..gabi na pero wala pa sila aling bea at mga anak nito dahil umattend ang mga ito ng birthday



Naka-upo sya habang nanonood ng tv ng biglang gumalaw ang ref..napalingon sya dito at dun napansing kulay pula nanaman ito..hindi nalang nya pinansin at nagtuloy sa panonood..ng bigla nanamang gumalaw ang ref na parang may nang-hahampas sa loob..medyo sumingaw narin ang bahong naamoy nya nung unang gabi nya sa bahay na yun




Natakot man ay nilakasan nya ang loob habang panay parin ang galaw ng ref na parang may gustong lumabas galing sa loob..habang palapit sa ref ay mas lalo nyang gustong sumuka dahil parang nabubulok na patay na daga ang naaamoy nya



Mas lalo lang nyang napansin na pumupula ang kulay ng ref..lumalakas parin ang pagkalabog sa loob



Ng buksan nya ay halos manigas ang buo nyang katawan



Nakita nya roon ang dalawang naaagnas na bangkay ng mga anak ni aling bea..dilat na dilat ang mga mata nito at mga nakanganga pa..halos magkayakap na ang dalawa at may mga natutuyo ng dugo pababa.



Mas lalo syang nahintakutan at para syang papanawan ng ulirat ng mapagtanong may tao sa likod nya



Bumungad sakanya ang nakangiting muka ni aling bea

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon