Ang malaking sigarilyo

2.6K 44 5
                                    

"Puta..badtrip talaga!"

Nasa inuupahang bahay ko ang mga ka-tropa kong sila bingbong,.joseph,.at arman..naisipan kasi nila 'kong dalawin dahil daw miss na nila 'ko saka gusto rin daw nila ng mapagtatambayan.

"Ano nanamang ikinababadtrip mo pare?"..tanong ko kay joseph..

"Parang lagi ka namang badtrip eh..kaylan ka ba namin nakitang hindi?"..pagkasabi ni arman ay natawa kami..pero si joseph ay hindi manlang tumawa kahit ngisi manlang

"Yung girlfriend ko kasi,,.gusto ko ng magtalik kami pero ayaw nya talaga 'kong pagbigyan eh..!"...inis na sabi nya

Natawa naman yung dalawa habang panay iling lang ako..

"Baka naman kasi pare may tinatago yang shota mo!.baka wala syang pagkababae..!"...sabi ni bingbong

Tinitigan sya ng masama ni joseph..

"Anong wala..babae yun tapos wala..ano yun engkanto?"

Nagtawanan kami sa sinabi ni joseph..matagal na sila ni nina..almost 3 years narin..at ganun katagal na syang nag-hihinaing samin na wala pa raw syang maligayang experience with nina..malibog talaga..

"Pare wala ka bang sigarilyo dyan..kailangan ko munang humithit para mawala 'tong kabadtripan ko.."

Kinuha ni bingbong ang isang stick ng sigarilyo na nakaipit sa tenga nya sabay abot kay joseph..

"Wala bang luga 'to..?"..tanong ni joseph..nagtawanan lang kami

"Gago!.."..sabi ni bingbong saka na tumutok sa panonood ng tv

"Joseph..kung maninigarilyo ka wag dito sa loob ng bahay ko..ayokong kumukulob ang usok ng sigarilyo mo dito."...sabi ko kay joseph..tumango lang sya saka na lumabas para doon manigarilyo..

Makalipas ang kalahating oras habang nagkekwentuhan kami ay ganun nalang ang gulat namin ng nagtatatakbo si joseph papasok sa loob at nagsumiksik samin..nanginginig sya at takot na takot...

Lumipas ang ilang minuto bago namin sya napakalma..ng gumaan ang paghinga nya at nabawasan ang takot ay nagkwento sya samin..

(Joseph's POV)

lumabas ako para manigarilyo..naisipan kong doon muna magyosi sa isang bench malapit sa bahay ni mark..

Habang nakaupo ako at busy sa paghithit ay isip ako ng isip sa palaging away namin ni nina..tss..hindi manlang ako pagbigyan kahit isang beses..

Hindi ko namalayang ubos na pala ang yosi ko..itinapon ko na ito at inapakan..

"Ano ba yan..bitin..bakit ba kasi isang stick lang ang binigay ni bingbong eh..!"..angal ko sa sarili

Biglang may bumato sa ulo ko..parang may bumagsak na kung ano..hawak ang ulo ay tumingin ako sa paligid..

"Aray ko puta!..sino 'yung nambato?"...parang tangang sigaw ko pero wala namang ibang tao maliban sakin..wala namang ibang tao dahil anong oras narin,,gabing-gabi na..aalis na sana ako ng makita sa lupa ang bumagsak pala sa ulo ko kanina..isang sigarilyo..

Tatawa-tawa ako habang pinupulot ang isang stick ng sigarilyo.nagtaka lang ako dahil masyado itong malaki..pero okay na 'to dahil matagal itong mauubos..

Sumandal ako sa isang malaking puno ng santol saka sumigaw..

"Maraming salamat sa sigarilyo..hulog ng langit ito..!"...

"Walang anuman..!"

Natahimik ako ng may marinig na boses..napakalaking boses..sino ba yun..?!

"Gusto mo pa ba?marami pa ako dito!"..mas lalo akong kinilabutan dahil sa malaking boses nito na halos dumagundong sa tenga ko..

Iisa lang ang nasisiguro ko..dahan-dahan akong tumingala..

Nakita ko roon sa pinakataas ng puno ang isang kapre na may malaking tabako na nasa bibig nito..nakatitig ito sakin na mapupula ang mga mata..nakangisi ito sakin

Kahit halos himatayin ay mas pinili ko nalang tumakbo papasok sa bahay ni mark ng may nangangatal na kaluluwa sa nakita..

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon