estatwa

2K 34 5
                                    

Merong mag-asawang umalis ng kanilang bahay dahil sa business trip kaya bago sila umalis ay tumawag sila sa nanny agency para humiram ng katulong kahit isang gabi lang para magbantay sa tatlong anak nito




"Oh paano,naituro ko na sayo ang mga bagay na kaylangan mong gawin,yung time ng pagkain nila saka pagtulog,aalis na kami at baka ma-late na kami".sabi ng babaeng amo



"Mag-iingat kayo dito.ilo-lock mo ang pinto alas-sais palang ng gabi saka wag kang magpapapasok ng hindi mo kilala.mga bukas ng tanghali pa ang balik namin"..sabi naman ng lalaki




Tumango ang katulong kaya umalis na ang mag-asawa




Lumipas ang gabi,tapos ng mapakain ng nanny ang kanyang mga binabantayan kaya pinatulog na nya ang mga ito,wala na syang ginagawa kaya naisipan nyang pumunta sa kwarto ng mag-asawa para doon nalang matulog,nanood sya ng tv sa kwarto ng amo ngunit pamaya-maya syang napapatingin sa gilid ng kama katabi ng bintana,hindi sya mapakali at ewan ba nya pero parang nakatingin mismo sakanya ang isang estatwang anghel na may kalumaan ngunit may nakakatakot na itsura.





Hindi na sya nakakanood ng maayos kaya naisipan nyang tawagan ang mga amo,ayaw rin naman kasi nyang basta-basta gumalaw ng mga gamit lalo pa't hindi sya nagpapaalam



"Hello po mam"



"Oh kamusta na?!ang mga bata anong ginagawa nila?"




"Ah napatulog ko na po sila,eh mam may pabor lang po sana ako"


"Sige ano yun?"



"Pwede po bang ilabas ko muna yung estatwa ng anghel nyo sa kwarto nyo?!hindi po kasi ako komportable eh."



Sandaling natahimik sa kabilang linya......



"Anghel na pigurin ba kamo?!anong itsura?"



"Life size po sya,saka muka pong nakakatakot yung itsura eh,para pong kakain ng tao".sabi pa ng nanny habang nahihiya sa boses


Katahimikan ulit........




Saglit ulit na napatingin ang nanny sa malapit sa bintana at nakatitig sa angel figurine na may masamang itsura na nakatitig rin sakanya



Halos manginig sya at mabitawan ang teleponong hawak ng sawakas ay nagsalita ang amo nya




"Umalis na kayo ng mga bata dyan sa bahay..tumawag ka sa 911,wala kaming kahit anong figurines sa bahay!"

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon