Drew's nightmare

2.8K 38 0
                                    

Kauuwi lang ni drew sa kanilang bahay galing sa eskwelahan..hindi nya mawari kung bakit pero pakiramdam nya'y hapung-hapo ang kanyang katawan..nadaanan nya ang kanyang mama na nagluluto sa kusina ng hapunan nila..hindi sya nito agad napansin

Nadaanan nya rin sa sala ang ate nya at nakababatang kapatid na nanonood pa ng tv..dumiretso nalang sya ng akyat papunta sakanyang kwarto..

Pagkapasok ay agad nyang sinara ang pintuan at humilata sa kama..sa sobrang pagod ay nakatulog na sya ng mahimbing at malalim..

Nakita nya ang sarili na nakatayo sa loob ng kwarto nya..alam ni drew na nananaginip na agad sya..nilibot nya ng tingin ang kabuuan ng kwarto..malinis ang kama nya at napakadilim ng paligid..

Pero ganun nalang ang gulat nya ng may sumulpot sa harap nya na isang ulo ng tao..pero bungo nalang ito at nagliliwanag..

Nagsimulang maglakad ang bungo na nakalutang palabas ng kwarto nya..naisipan nya itong sundan nakita pa nyang madilim din banda sa sala at kusina nila..bumukas ang pintuan at tuloy-tuloy na lumabas ang bungo..sinundan parin ito ni drew..

Huminto na sa paglalakad ang bungo..doon lang namalayan ni drew na nasa likod bahay na pala nila iyon..aalis na sana sya ng makita ang pagliliwanag ng paligid..nakita nya ang bungo na nagliliwanag..masakit sa mata kaya saglit na napapikit si drew..pagmulat nya ay ganun nalang ang kilabot nya sa tumambad sa harapan nya.

Tatlong kabaong na nakalutang sa ere..nanginig si drew lalo na ng magsalita ang bungo..

"Bawat ataul na nandito ay may mga laman..pera,walang hanggang swerte,at kamatayan..!"

"A-ano pong gusto nyong palabasin..?"...tanong ni drew

"Pumili ka ng isa..kapag pumili ka ng isa at nakita mong lumabas ang letter P..ibig sabihin ay pera..at paggising mo..magkakapera na kayo ng limpak-limpak..kapag S naman ang napili mo ay walang hanggang katapusang swerte ang ibibigay nito sayo pati na sa pamilya mo..pero kapag K ang napili mo ay kamatayan ang naghihintay sayo..!"

Nakakakilabot ang boses ng bungo na parang nasa hukay lamang ito..napangisi si drew dahil alam nyang panaginip lamang ang lahat..

Ngumisi si drew saka nya tinuro ang nasa gitnang ataul..isang kulay gold na ataul..naisip ni drew dahil likas syang matalino..naisip nyang simbolo ng kulay gold ang pera sa kabaong..

Unti-unti itong bumubukas..parang sa sirang bisagra ng pintuan ang tunog nito..nagliliwanag sa loob..excited syang makita ang napiling kabaong..pero nawala ang ngisi nya ng makita ang letrang "K"..

Tumawa ng tumawa ang bungo..hindi nalang pinansin ni drew dahil akala nya'y biro lamang ang lahat..nagliwanag sya bigla at doon na sya nagsisigaw ng tuluyan.

Kinaumagahan..

Umiyak ng umiyak ang nanay at mga kapatid ni drew ng makita nila ang lalaki sa kanilang likod bahay na nakabulagta at hindi na humihinga..

Dahil sa isang panaginip...na kahit anong ataul ang kanyang mapili ay wala parin syang kawala dahil puro letrang "K" lang ang lahat ng laman nito..

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon