Christmas party

3.4K 73 2
                                    

Gumising ako ng madaling araw ng nakangiti...malapit nanaman kasi ang pasko kaya marami ng christmas decors ang nakasabit sa buong bahay ko..mag-isa lang ako dahil sa pagiging independent..

Pagsilip ko sa bintana ay marami naring mga christmas lights at parol ang mga nakasabit sa ibang bahay..

Naisipan kong magwalis ng bakuran para pampalipas oras..ng nasa bakuran habang nagwawalis ay may narinig akong boses ng lalaki..

'Tao po..tao po.."

Tinigil ko muna sandali ang pagwawalis saka naglakad papunta sa gate..medyo naglalaban na ang dilim at liwanag dahil alas-singko na ng umaga..nakangiti akong lumapit sa lalaki sa gate

'Ano hong maipaglilingkod ko?'--ako

Napansin ko palang sa itsura ng lalaki ay meron ng kakaiba..maputla ito at napaka-payat ng muka at lubog ang mga mata..

'Ibibigay ko lang po sana ito sainyo..lahat ng tao sa lugar na 'to ay may ganito..mauna na 'ko..binigay ko lang sayo iyan..!'--pagkasabi ay umalis na ang misteryosong lalaki..

'Teka sandal--hindi ko na natapos ang gusto ko sanang itanong sa lalaki dahil nawala na sya..ang bilis naman maglakad nun..!

Pumasok na 'ko sa loob ng bahay..umupo ako sa sofa habang pinagmamasdan ang isang maliit na puting card na binigay kanina nung lalaki..hindi ko kilala yun at parang ngayon ko lang nakita yun dito sa village..

'You are invited in a christmas party that held at ramsay's house today december 23 7:00..hope you come and party with us..'

Yun lang ang nakalagay sa sulat..kumunot ang noo ko..hindi ko naman kilala 'tong ramsay family na 'to..

Mamayang gabi na pala..dahil umaga pa naman ay naglinis muna ko sa bahay..

Kinagabihan...

Naglalakad ako sa kahabaan ng highway sa village namin..hindi ko kasi makita ang pagdarausan ng party na 'to..naisipan kong pumunta na dahil baka sabihin naman nilang wala akong pakisama..

Nasa kalagitnaan ako ng madilim na highway ng may matanaw akong isang bahay na maraming ilaw..may mga party banner din akong natatanaw..ayun na siguro ang bahay ng mga ramsay...

Tumuloy ako at hindi nga 'ko nagkamali..maraming tao sa labas..nagtaka lang ako dahil unang-una ay mapuputla ang kulay nila,para akong nasa unang panahon..tapos yung mga muka nila parang ngayon ko lang nakita.?naisip ko nalang na marahil hindi ako palalabas ng bahay kaya hindi ko masyadong kilala ang mga ka-village ko

Maraming decors at may mga tugtugan pa..maraming taong nagsasayaw..

Naupo ako sa isa sa mga sofa na naroon..pinagmamasdan ko lang sila..ng may mapansin ako sa itaas ay binasa ko ito at dun ako kinabahan at binalot ng kilabot...

Merry christmas adamson village...
December 23 1898
To:ramsay's family..

Nanlalaki ang mga mata ko sa nababasa sa banner na nasa itaas ng hagdan..

2014 ngayon..saka hindi adamson ang pangalan ng village na 'to..kundi amity village..!!..unti-uni akong tumingin sa paligid..imposible man pero naiisip ko ng wala ako sa kasalukuyang panahon...

Dali-dali akong lumabas ng bahay na'yun..hindi na 'ko lumingon pa...ng nasa malayo ako ay naisipan kong lingunin sa huling pagkakataon..pero kunot lang ang noo ko..wala na roon ang bahay..!pati na yung mga ilaw at banners wala narin!!..tanging bakanteng lote lang ang nakita ko..

Kinapa ko sa coat na suot ko ang invitation card..pero puro abo nalang ang nahawakan ko kaya agad ko 'tong pinagpag sa damit ko..wala na ang card..

Agad na 'kong naglakad paalis sa highway na yun at nagmadali ng umuwi..

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon