beggar at the street

2.7K 51 0
                                    

"Ano ba yan..!ang lakas ng ulan..asan na ba kasi yun?"


Panay padyak ako ng paa sa sobrang badtrip dahil late na nga 'kong naka-uwi galing sa opisina eh lumakas pa yung buhos ng ulan..samahan pa ng kupad ng boyfriend kong si Ash na kanina ko pa sinabihang sunduin ako gamit ng motor nya



Susunduin daw ako pero hanggang ngayon wala parin..inabot na 'ko ng syam-syam dito



Medyo basa narin ako dahil habang naglalakad ako eh biglang lumakas ang ulan..buti nalang at may waiting shed dito na abangan ng jeep..sumilong muna ko dito



Nakakunot ang noo ko habang panay ang sulyap at tanaw sa malayo..hinihintay ang kupal na si Ash ng biglang may kumalabit sakin..inis akong lumingon



"Ate,,pengeng pagkain?"  sabi ng pulubi sa tabi ko


"Ano ba?..wag ka ngang magulo..may hinihintay ako,."..inis na utas ko sa pulubi


Pero sige parin sya sa pangungulit kaya mas lalo lang akong nainis


"Ano ba?.sabi ko tumigil ka sa kakalabit mo..wala akong ibibigay sayo kaya umalis ka sa harap ko pulubing'to..dun ka nga bwisit..!"



"Ang baho-baho..kaylan ba 'to huling naligo,.?siguro last-last year pa..badtrip." panay bulong ko



Panay parin ang kalabit nya pero hindi ko na sya nililingon..



"Sino po bang hinihintay nyo?boyfriend nyo po ba?".napalingon ako ulit dun sa mabahong pulubi at nakita kong nakangisi na sya ng kakaiba..baliw ata 'to eh!



"Ano bang pake mo..!oo boyfriend ko nga ano?!titigil ka na ba..?kaasar..!"mas lalo lang akong nainis ng tawanan nya 'ko..halakhak na nga yun eh




"Ate..wag mo na yung hintayin..hindi na yun darating.!"nangingiting sabi nya



"Anong hindi?..magka-text kami kanina lang at papunta na raw sya dito..!" ewan ko ba kung bakit kinakausap ko pa 'tong pulubi na 'to..nag-aaksaya lang ako ng laway sakanya



"Hindi na po sya darating..alam nyo ba kung bakit?" halakhak nyang tanong sakin



"Bakit aber!"...tanong ko rin



"Hahahahahahaha eto sya oh..!" sabi nya sakin sabay labas ng kung ano sa likuran nya at hinagis ito sakin..halos mapatid ang boses ko sa takot at pagkasigaw ng ubod lakas dahil sa bagay na hinagis sakin ng pulubi




"Dumudugo-dugo pang ulo ni Ash na nakatirik ang mga mata.."


Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon