elevator

5.2K 126 7
                                    

Ako nga pala si mich..nagtatrabaho ako sa isang kilalang ospital..kaya lang ay hindi bilang nurse o doctora kundi isang janitress..

Mahirap din naman ang trabaho ko dahil malaki ang nasabing ospital kaya kapag minsan ay hindi nakakapasok ang isa ko pang kasama ay kawawa ako dahil ako ang maglilinis ng buong pasilyo

May kanya-kanya kaming toka ng floor sa pagmomop..
Si lloyd sa 1st and 2nd floor..ako naman sa 3rd at 4rth floor hanggang 10th floor ang ospital pero dahil mabait ang may ari ng ospital ay hanggang 4rth floor lang ang pinapalinisan..

Papunta ako sa 4rth floor para dun mag-mop at naisipan kong gumamit ng elevator..

Sumakay ako sa isang elevator na hindi sinasakyan ng mga nurses,doctors,mga pasyente,.pati na ng may-ari sabi kasi sakin ni lloyd nung bago palang ako dito ay itong elevator daw na sinasakyan ko ay may malagim na nakaraan..

May babae raw na sinaksak ang sarili nya habang nasa elevator..kaya nga raw hindi sila sumasakay dito ay dahil sa bigla nalang daw magpapakita o kaya naman ay magpaparamdam ang babae sa mga sakay nito..

Umiiling nalang ako habang inaalala ang kwento ni lloyd..ngumisi ako sa repleksyon ko sa bakal na pinto ng elevator..hindi naman kasi ako naniniwala sa mga ganyang kwento at sa mga multo..

Hminto ang elevator sa 3rd floor at sumakay ang isang babaeng nasa 20's..

Hindi ko na sana sya papansinin ng bigla syang umiyak at sumisinghot-singhot pa..

Nag-alala ako kaya naman tinabihan ko sya at kinausap..

"Miss,may problema ba?"

Tumigil sya sa paghagulgol at pagalit na tumingin sakin..

"Papatayin kita."sabi nya sa malaking na boses saka ako niyakap..napapikit ako at parang may malamig na hanging yumakap sakin

Pagdilat ko ay wala na sya at sakto namang bumukas ang pinto ng elevator pero ganun nalang ang takot ko ng makita ko sya sa tapat ng pinto na may dalang kutsilyo..namumula ang mga mata nya pati ang buong katawan nya.

"Papatayin kittaaaaaaa.!!!!!!" sigaw nya

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon