ang manliligaw ni alexa

4.5K 109 7
                                    

Si alexa ay isa lang sa pansinin sa kanilang baranggay..maputi ito at matangkad.may mahabang buhok..at ang isa pa kaya sya ligawin ay dahil sa angkin nyang kabaitan



Isang gabi ay may kumatok sa kanyang pinto..pagbukas nya ay halos mapatulala sya dahil isang lalaking may hawak na bulaklak at itim na bagay ang bumungad sakanya



Tinititigan pa ng mabuti ni alexa kung totoong tao ba ang kaharap nya o isang character sa mga anime na napapanood nya..halos perpekto na ang itsura..makinis ang maputing balat.,matangos ang pointed na ilong.may perpektong korte ng muka magmula sa panga..,makakapal ang kilay at higit sa lahat ay parang nagdudugo ang labi sa pula

"Hi..magandang gabi ako nga pala si gabb..hindi ba ikaw si alexa?!" Ani lalaki


Halos tango nalang ang sinagot ni alexa..natutulala talaga sya sa muka ng lalaki lalo na ng ngumiti ito sakanya at lumabas ang beloy nito sa dalawang pisngi..halos matunaw na sya sa kinatatayuan



"Para nga pala sayo.!!" sabi ng nagngangalang gabb saka inabot sakanya ang isang punpon ng pulang bulaklak..nagtaka lang si alexa dahil ngayon lang sya nakakita ng ganito kagandang bulaklak..naging isa rin syang botanista dati at lahat ng halaman ay napag-aralan na nya mula sa mga nakakalason sa hindi..pero itong bulaklak ay ngayon lang ata nya nakita..may nag-eexist pa palang ganito kagandang bulaklak..?nasabi nya sa sarili



Tinaggap nalang nya ang bulaklak at sunod namang inabot ng lalaki sakanya ang isang itim na bagay..pinapasok nya ang lalaki at pinaupo sa sofa..hinarap nya ito saka tinaas ang itim na bagay



"Ahm gabb!..tanong lang..bago ka lang ba dito sa lugar namin?.ngayon lang kasi kita nakita.saka ano ba 'tong bagay na 'to?kaya ka ba nagpunta rito para manligaw?" 



Halos hindi na nya magawang kumurap dahil parang may kung anong gayuma ang kaharap


Ngumiti si gabb sakanya bago ito sumagot..mas lalo namang kinilig ng palihim si alexa



"Hindi..matagal na 'ko sa lugar na ito.matagal ko na ngang naririnig ang tungkol sayo..alam mo ba ang totoo nyan lagi akong nakamasid sayo..marami ka ngang manliligaw at nakikita ko sila sa tuwing pinagmamasdan ko kayo..alam mo bang matagal na kitang gustong ligawan kaya lang ay ngayon lang ako nagkalakas ng loob...ang totoo nyan matagal na kitang minamahal ng palihim"




Halos hindi makapaniwala si alexa sa naririnig..matagal na raw syang pnagmamasdan?.ibig sabihin stalker ganun?!..pero sa gwapo ng lalaking 'to ay hindi naman sy mukang cheap na stalker lang..muka pang mayaman


"Saka suman ang kulay itim na 'yan..masarap 'yan kainin mo"-pagpapatuloy ni gabb




Nag-aalangan pa nung una si alexa..pero bandang huli kinain nya rin..nagulat sya dahil isa ito sa pinakamasarap na nakain nyang suman..kagaya ng bulaklak hindi nya alam na may nag-eexist na ganito kasarap na pagkain



Marami pa silang napag-kwentuhan..naging komportable sakanya si alexa sa tagal ng pag-uusap nila..mabait si gabb at napag-alaman nyang mayaman ito..kaya nagkagusto rin agad si alexa sakanya



Hanggang sa lumilipas ang mga gabi..yun lagi ang pagdalaw ni gabb..may mga manliligaw rin kasi si alexa sa umaga..nagtataka nga si alexa dahil tuwing gabi lang lumalabas si gabb..hindi sya sinasagot ng lalaki..kaya siguro maputla ang kulay ni gabb..!



Hanggang sa lumilipas rin ang araw na nagugulat si alexa dahil bigla nalang susulpot si gabb sa tabi nya..pero hindi nalang nya pinapansin ang kaba nya at sumasaya pa sya pag-nandyan ang lalaki.



Hanggang sa isang araw ay nabalitaan ni alexa at ng buong baranggay ang pagkamatay ni dado..isa sa mga manliligaw nya..nalungkot si alexa



Hanggang sa dumadating pa ang mga araw at natatakot na ang mga kabaranggay ni alexa dahil sunod-sunod ang mga namamatay..at ang pinag-tataka nya ay puros lahat manliligaw nya..isang gabi ay nagkita ulit sila ni gabb at kagaya ng dati..laging may dala itong magandang bulaklak at itim na suman..lagi naman itong kinakain ni alexa at talagang sarap na sarap sya lalo na't kasama nya si gabb




Isang umaga ay biglang sumakit ang tyan ni alexa..napahiga sya at halos hindi na makagalaw sa sobrang sakit..nag-alala ang mama't-papa nya kaya dinala sila sa ospital pero wala naman daw matukoy ang mga doctor..kaya bandang huli sa albularyo nila dinala si alexa na umiiyak na sa sakit ng tyan




Kinabahan ang mga magulang ni alexa ng makita ang reaksyon sa muka ng albularyo..medyo kumunot ang kulubot nitong noo at tumitig ng seryoso kay alexa saka nagtanong


"Nito bang mga nakaraang araw ay may kakaiba ka bang nakakain?mga kakaiba sa paligid.?" Paunang tanong ng albularyo


"Kumakain lang naman ako ng suman na kulay itim..na bigay ng isa sa mga manliligaw ko." Sagot ng dalaga



Rumehistro agad ang gulat sa muka ng albularyo..kumuha sya ng kandila at basin..nagsagawa sya ng ilang pagdarasal..ng makita ang kinalabasan sa ginawa ay sumeryoso nanaman ang muka ng matanda



"Iha..may nagkagusto sayong engkanto..at ang itim naman na kinain mo ay ang mga pagkain nila..alam mo bang kapag kinain mo yun ay pag-aari ka na nila.!anumang oras ay pwede ka nilang kunin..hindi ka man lang ba pinasok ng pagtataka?!" Ani ng matanda





Umiling lang si alexa.wala naman syang kaalam-alam tungkol sa mga ganyan




Sa pagdaan ng mga araw ay mas lalong sumasakit ang tyan ni alexa.hindi na sya dinadalaw ni gabb..hindi na sya makakain at tuluyang namayat..halos hindi narin sya makatulog dahil sa pagpapahirap ng tyan nya



Hanggang sa bulabugin nalang ng balita ang buong baranggay isang araw na patay na si alexa..ang sabi ng ilan ay may sakit ito



Pero ang totoo nyan..kutob na ng mga magulang nya na kinuha na ito ng engkanto...

Na si gabb..


















..................................................................................................

Natakam ako sa suman makabili nga..lol..:)

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon