mrt

4.5K 106 4
                                    

May isang mrt na sinasabing nagmumulto..lagi raw nakikita ito ng mga tao sa hatinggabi...ang mas malala raw ay lagi itong maraming sakay...bigla nalang daw itong mawawala at hindi na ulit makikita..

Sinasabing ang mrt na ito ay matagal nang nabangga at marami ring pasahero ang namatay..naireport ito noon sa tv..may isang nakaligtas na ininterview at sinabi nyang may kung ano raw na humarang sa riles kaya hindi nakaiwas ang nagmamaneho..parang isang black lady raw ang nasa harap ng madilim na riles..

Dati rin ay may haka-hakang isang matanda ang sumakay sa nasabing mrt at mula ng sumakay ito ay hindi na ito muli pang- nakita...maging ang mga kamag-anak ng matanda ay nag-report na sa pulis..istasyon ng tv..o kahit saan pero hindi na talaga nakabalik ang kawawang matanda..

Dati ay may isang batang pulubi ang nainterview rin sa tv..sabi nya ay pumasok sya sa loob ng parang kweba kung saan dumadaan ang mga mrt..naghahanap sya ng pwedeng ibentang mga bakal..nakita raw nya ang isang lalaking walang mata at hinihila raw sya papasok sa loob ng mrt...nakita raw ng bata ang mga tao sa loob at halos maiyak sya ng makitang mapuputla ang mga kulay nito at halos lubog na lubog ang mga mata nila..

Nilakasan raw ng batang yun ang loob nya at nakatakas sya..

Kaya ingat lang sa sasakyang mrt...baka mamaya ay hindi mo mamalayang nasa haunted mrt ka na pala at hindi na buhay ang mga kasama mo sa loob..!!

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon