in my son's room

2.4K 42 0
                                    

Kakalipat ko lang sa bagong apartment na kasalukuyan ko ngang tinitirahan..kasama ko lang ang 2 year old kong anak na lalaki..dahil single mother ay ako lang ang aasahan ng anak ko

Bago ako nagdesisyon na lumipat sa huling tinirahan namin ay kung anu-anong naririnig at nararamdaman ko sa kwarto ng anak ko

Narinig ko ang anak kong umiiyak..dahil nasa baba ako at sya ay nasa taas ng kwarto nya eh naririnig ko naman roon sa kinalalagyan ko kung iiyak o hindi si bryan

Nagsisimula na 'kong umakyat at nakaka-apat na baitang palang ako sa hagdan ng biglang mawala ang iyak..nagkibit balikat nalang ako at tatalikod na sana ng marinig ko nanaman ang ingay pero di gaya kanina..tumatawa naman ang anak ko..kunot noong nabalik ang tingin ko sa tuktok ng hagdan at nagsimulang umakyat nalang

Ng nasa tapat ako ng pintuan ng kwarto ay pinakiramdaman ko muna ang mangyayari sa loob..pero unti-unting nanlaki ang mga mata ko ng makarinig ako ng boses babae sa loob..kumakanta ito ng pampa-hele..napaka-ganda sana ng boses kaso napakalamig din at nakakakilabot

Dahil sa kaba na baka may nakapasok sa loob ay malakas kong binuksan ang pinto pero ang anak ko lang ang nabugaran ko..nakangiti ito sabay lingon sakin..tinuro nya ang cr kaya nabaling ang tingin ko roon..naglakad ng dahan-dahan.

Wala namang tao sa loob..napatingin akong muli sa anak ko..kinabahan ako at para akong inaakap ng malamig na hangin..nakita ko syang may tinuturo sa bandang likuran ko..sa sobrang takot ay agad kong kinarga ang anak ko at nagmadaling lumabas ng kwarto

Ng gabi ring yun ay nanonood ako ng tv habang nasa paanan ng sofa si bryan na naglalaro..napahinto ito at titig na titig sa kusina..hindi ko nalang pinansin dahil sa abala ako sa panonood pero halos mapamura ako at napatili ng makarinig ng pagbagsak ng mga kaldero..

Ng puntahan ko ay nagulat ako dahil sa napaka-kalat nga roon..napatingin ako sa kusina ng makita ang isang mainit-init pang kape sa tasa..halos mapaisip ako noon at matakot..sino ang nagtimpla noon?!

Ng umaga ay pinuntahan ko na ang anak ko sa kwarto nito pero hindi ko pa man nabubuksan ang pinto ng makarinig nanaman ng boses babae..tumatawa ang anak ko at sandali ko iyong pinakinggan..halos mapatalon ako sa gulat ng maya-maya ay naging boses ng galit na galit na matandang babae habang nagsasalita ng hindi ko maintindihang lenggwahe saka isang tunog ng palo..biglang umiyak ng malakas ang anak ko kaya kahit takot na takot ay pinilit kong kunin ang anak ko sa loob

Habang pababa ay nakita ko ang isang bakas ng kamay sa hita ni bryan na namumula pa..napaiyak nalang ako sa awa at takot

Ng gabi ring yun ay sa kwarto ko na pinatulog ang anak ko..pero ng madaanan ko ang kwarto nya ay may narinig akong boses ng babae..para itong bumubulong..titig na titig naman sa pinto ng kwarto nya si bryan..

Halos mapatili ako sa takot ng biglang lumakas ang boses sa loob na parang sa sinapian at ang sabi.."IBALIK MO DITO SA LOOB 'YANG BATA!"

***************************

A/N:..SABI RIN NUNG NAGSUSULAT.."SABAW ANG UPDATE MO.!"
hahaha..:3

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon