upuan

3.3K 82 0
                                    

"Oh lea..dito ang upuan ng mga sekretarya..kaya dito ka na mauupo..--ani ni ms,madison

Umupo ako sa isang swivel chair saka ngumiti sa may edad ng babae..

Salamat ms,madison..--ako

Naku!..wala yun..dyan naman talaga ikaw uupo eh..pano aalis na 'ko..--ms,madison

Tumango nalang ako at umalis na nga sya..pinapaikot-ikot ko pa ang swivel chair na kinauupuan ko..nakapikit ako ng may biglang may nagsalita..

"Bakit ka nandyan sa upuan ko..?"

Napadilat ako ng mata at nagpalinga-linga sa paligid..wala namang ibang tao..

Hindi ko nalang pinansin at sinimulan ang trabaho ko..

Kinabukasan..

Masaya ako sa pangalawang pagkakataon as sekretarya..uupo na sana ako sa swivel chair ng may makita akong dugo roon..medyo nandiri ako at napaisip..sino kayang umupo dito?..nilagyan pa ng regla 'tong upuan ko..

Kumuha nalang ako ng tissue sa bag at pinunasan..parang ang tagal na ng dugo roon kaya nahirapan din akong tanggalin yun pero nagawa ko parin..

Umupo na 'ko at pumikit ulit matapos maayos ang ilang papeles na gagamitin ng boss ko..ng may marinig nanaman ako na boses babae..

"Bakit ka nandyan sa upuan ko?"

Napadilat ako at nagpalinga-linga pero gaya kahapon..wala namang tao..medyo na-weirduhan ako..pero hindi ko nalang pinansin..

Tatayo na sana ako ng may marinig nanaman akong boses ng babae pero this time..parang palapit na ng palapit ang boses..

"Upuan ko 'yan..umalis ka dyan.."
"Upuan ko 'yan..umalis ka dyan"..

Kinilabutan ako pero ganun din ang pagtataka ko..wala namang tao..sino ba 'yung nagsasalita?..

Lumabas nalang ako agad sa office na 'yun

Kinabukasan..

Sa pangatlong pagkakataon ay masaya nanaman akong umupo sa swivel chair..pero bigla nalang sumakit ang bandang puson ko kaya napahawak ako dito..

Tatayo na 'ko habang hawak ang puson..napapakapit na nga ako sa mesa..ng may bigla nanamang nagsalita..

"Akin ang upuang 'yan..umalis ka dyyaaannnn.."

Halos mapatalon ako sa gulat at sa takot narin..parang nasa tenga ko lang ang boses..mas lalo pa 'kong napakapit sa sakit ng puson..napapangiwi narin ako..

A-ang sa-sakit...--daing ko..

Parang biglang nawala ang pagsakit ng puson ko kasabay ng pagkawala ng boses..pero nagulat ako ng makita ang nagkalat na dugo sa swivel chair pababa sa tiles na sahig..

Psst..psst..--ayan nanaman ang boses...lumingon ako sa paligid..ganun nalang ang gulat ko ng makita ang isang babaeng animo'y pulubi sa dumi ng suot..pero may napansin ako..naka-office attire sya gaya ng sakin..

"Hindi ba sinabi ko sayong umalis ka dyan sa upuang 'yan..AALLIIIISSSS DDDYYYYAAAANNNN.."

Halos mag-echo ang boses nya sa loob kaya grabe ang takot ko..sumigaw sya ng pagkalakas-lakas habang mabilis na papunta sa kinalalagyan ko..sa sobrang takot ay napapikit nalang ako..hanggang sa may malakas at malamig na hangin ang nagpanginig sa buo kong katawan na para akong niyakap..

Palabas na 'ko ng opisina ng masalubong ko si ms,madison..nag-aalala nya 'kong nilapitan..

Lea bakit?!..anong problema?--ms,madison

Umiling-iling lang ako..nagpatuloy ako sa pagtakbo habang kausap sya..

Ms,madison paki-sabi po sa boss natin mag-reresign na po ako..--ako saka na tuluyang umalis..

Narinig ko pa ang huling sinabi ni ms,madison bago tuluyang nag-sara ang elevator..

"Nagparamdam nanaman siguro sya.."

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon