Konsensya

3.1K 59 3
                                    

Nagmamadali akong sumakay ng jeep..ng makakita ako ng isa ay agad ko itong pinara..pagkasakay ko palang ay agad kong kinuha ang cellphone ko saka muling binuklat ang message ni mama sakin..

"Butchoy,,patay na ang lola mo.."


Napaiyak nanaman ako dahil sa nabasa..si lola glenda ay isa sa mga ka-close kong lola kaya ngayong wala na sya ay para akong nalungkot ng sobra-sobra..lahat din kasi ng luho ko ay si lola ang nagbibigay



Ng makarating ako sa village kung saan ang lamay ni lola ay agad akong pumunta sa kabaong at dun napaiyak ng tuluyan..lumapit si mama sakin saka ako hinahagod sa likuran



"Ma,,ano raw po bang sabi ng mga pulis?..may mga nakalap na raw ba silang impormasyon tungkol sa gumawa ng kahayupang 'to kay lola..?"...tanong ko kay mama


"Wala pa anak.pero ginagawa naraw nila ang makakaya nila at patuloy sila sa pag-iimbestiga para matunton agad ang kriminal na yun..kapag nakita ko sya ay baka mapatay ko sya..!"bakas din sa boses ni mama ang galit sa taong yun


Patuloy lang ako sa pag-hagulgol habang tumatango



"Opo ma..pagbabayaran nya ito"..nasabi ko nalang



Pinauwi na muna ako ni mama dahil raw sa may pasok pa 'ko sa trabaho..sinabi kong sya nalang ang magpahinga at ako nalang ang magbabantay kay lola pero panay ang tanggi nya..sya nalang daw at masama sa bata kong katawan ang mapuyat..kaya bandang huli ay umuwi nalang muna ko..at nangakong babalik mamayang gabi pag-uwi galing trabaho.




Natutulog ako sa kwarto ko ng may biglang humila sa kumot ko..maya-maya naman ay umuuga ang kama kaya tuluyan na 'kong nagising..nakita ko sa orasan na alas-dos na ng madaling araw



Mas natakot ako at binalot ng kaba ng magsimulang umuga ang mga gamit sa paligid..lumalakas at lumalamig ang hangin sa buong kwarto..nagtaka ako dahil hindi ko naman binuksan ang aircon dito..unti-unting napapayakap ako sa sarili ko



"Apo..apo ako ito,si lola glenda mo.!"sabi ng boses..panay lingon ako sa paligid pero wala akong makita





"Lo-lola?..bakit po?"natatakot kong tanong sa boses


"Apo..mahal mo ba ako?" sabi parin ng boses ni lola

Medyo kinikilabutan ako dahil nag-eecho ang boses


"Opo lola..mahal na mahal ko po kayo"...sabi ko



"Kung ganun ay gawin mo ang nararapat..!"pagkasabi ni lola ay bigla akong napatayo sa kama ko..kinakabahan ako dahil parang kinokontrol ang katawan ko ng kung sino..palabas ako ng kwarto



Kahit anong pigil ko sa sarili ay parang may sariling isip ang mga paa ko..palabas ako ng bahay..medyo napapaluha na ko pero ayaw parin tumigil ng sarili ko..mas nagulat ako ng huminto ako sa isang pulis station..ayan nanaman ang mga paa ko at pumasok ako sa loob.



"Oh..diba ikaw yung apo nung matandang pinatay?!..may kaylangan ka ba iho?".tanong ng matandang pulis



Tuluyan na 'kong napaiyak ng malakas



"Opo..aamin na po ako.hulihin nyo na ko..sige na po,sumusuko na po ako..!"


Takang napatingin ang mga pulis sakin.

"Iho ano bang pinagsasabi mo?."mga pulis




"Ako po..ako po ang pumatay sa sarili kong lola..gabi-gabi nalang po nya kong hindi pinapatulog..kaya susuko na po ako"...sabi ko habang umiiyak




"Si lola kasi ay binibigay ang lahat ng gusto ko..kaya na-ispoiled ako..ang totoo po nyan ay gumagamit din po ako ng droga..sa mga barkada ko..minsan po ay nangungutang ako sakanila para lang makabili ng drugs..pero dumating po sa puntong sinisingil na nila ko at ang sabi nila kapag hindi raw ako nakayabad ay papatayin nila ko..kaya nung gabing yun ay pumunta ako sa bahay ni lola..humingi ako ng tulong sakanya pero wala naraw syang maibibigay sakin..nakita ko ang mamahaling vase nya kaya nakiusap akong baka pwedeng ibenta ko iyon pero tumanggi si lola..nagalit pa sya sakin..kaya sa sobrang galit ko ay nagdilim ang paningin ko..hindi ko alam na dinampot ko ang isang figurine na gawa sa bato saka ito pinaghahampas sa ulo ni lola hanggang sa mamatay ito..pagkatapos ay kinuha ko ang vase nya saka na umalis ng bahay nya"




Pagkakita ko sa orasan ay alas-dos kwarenta na ng madaling araw



"Gan'tong oras po,gantong oras ko pinatay si lola..ikulong nyo na ko..hindi ko na kaya ang paulit-ulit na pagdalaw nya sakin..lola..kung naririnig mo ko ngayon patawarin moko"...mangiyak-ngiyak kong pag-amin sakanila




"Mr,reyes..pakitawagan ang mga magulang nya..sabihin mo sumuko na ang pumatay sa matanda"..sabi ng pulis sa kapwa nya pulis saka na ito umalis at pagbalik ay may dala ng posas



Ang huli ko lang na nakita ay ang imahe ni lola sa usok na nakangiti sa likuran ng pulis..maya-maya ay nawala na ito














***************************************************************



A/N:...yan kasi..kaya kayo wag kayong panay shabu ryan masama ang epekto nyan sa utak..
Magkatol nalang kayo hahaha

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon