My Brother

599 8 1
                                    


Isa akong manager ng isang software company sa makati kaya madalas gabi na ako kung umuwi..ang labing-syam na taong gulang kong kapatid na lalaki ang kasa-kasama ko sa apartment na inuupahan..kinuha ko sya sa province namin para dito na mag-aral sa manila at as his older sister responsibilidad ko sya at ang kanyang mga kinakailangan sa school pati na matrikula nito


Sa tuwing umuuwi ako sa gabi ay nadadaanan ko ang kwarto nya na bukas ang pintuan pero hindi naman ganun kalaki ang siwang tama lang para masilip mo sya.madalas kong makita na nakaupo ang kapatid ko sa upuan at may ginagawa sa laptop nito..minsan hindi ko na sya iniistorbo dahil baka ayaw nyang magambala sa ginagawa


Isang gabi ng umuwi ako ay pinuntahan ko agad sya sa kwarto nya at as usual nakaharap na naman sya sa laptop nya na parang may ginagawang thesis

"Jonathan halika muna may dala akong pizza saka donut.kumain muna tayo mamaya na yan!"

Lumingon sya sakin sabay tayo,,na-sense kong parang may kakaiba dito sa kapatid ko.nasa harap ko na sya at nakatitig lang sakin habang nakangiti


"Huy!! Para kang tanga.ano pang tinutunganga mo dyan tara na!.wag ka ngang ngingiti ng ganyan at nakakatakot ang itsura mo".saway ko sakanya saka na sya hinila papuntang sala

Tapos na naming kainin ang mga dala ko at kasalukuyan ng nanonood ng tv ng tawagin ako ng kalikasan kaya tumayo ako upang pumunta ng banyo..at dahil laging kong dala kahit saan ang cp ko e bigla itong nag-ring.kinuha ko sa bulsa ng short saka sinagot ang tawag

"Hello?!"

"Ate ako 'to si nath..nakitawag lang ako sa classmate ko kasi lowbatt na cp ko..ilang araw na dahil diko pala nadala charger ko kaya ngayon lang ako napatawag.baka mga bukas ng hapon makakauwi na 'ko dyan sa bahay..pasalubong ko teh a!".aniya na tatawa-tawa pa sa kabilang linya

Nagtaka ako.binuksan ko ng maliit ang pintuan ng banyo kung saan tanaw ang sala..nanduon ang kapatid ko tahimik na nanonood at walang galaw

"Hoy!ako ba'y pinagloloko mo? E nandito ka nanonood kasama ko ngayon!"

Gulat ako sa sinagot nya

"Hala si ate baliw,..nung isang araw pa kong wala dyan sa apartment dahil may camping kami ng mga barkada ko.diba nag-iwan ako ng sticky note sa ref di mo ba nabasa?.bukas pa ko ng hapon makakauwi.nag-celebrate kami kasi tapos na yung ilang araw na pagpupuyat sa thesis namin,"


"Hello?ate? Kung hindi mo nabasa yung note sa ref meron naman akong iniwang sulat sayo dun sa kwarto mo.alam ko naman kasing hindi na madikit yung note na yun kaya in-expect ko ng malalaglag sya" panay dakdak nung kapatid ko sa kabilang linya pero ako natatakot na


"Saka teh mag-lock ka dyan bago ka matulog,,uso pala ngayon yung mga serial rapist saka killer..sige na babye na te!".



Ng matapos ang usapan namin ng kapatid ko ay para akong hinabol ng sampung kabayo sa bilis ng takbo papuntang kwarto nya..ni-lock ko ang pintuan at nanginginig sa takot na sumiksik sa corner ng kama ni jonathan.napatingin ako sa laptop at halos mabigla sa naroon



Nakalagay sa computer screen ang salitang "ANG SARAP NG DALA MONG PIZZA AT DONUT..SA UULITIN ATE ♡♡"

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon