ang misteryosong tambay

7.1K 173 5
                                    

Si shiela ay isang nursing student..gabi kung sya ay pumasok at halos madaling araw na kung umuwi


Sa tuwing napapadaan sya sa isang tulay ay lagi nyang nakikita ang isang tambay na laging naka-upo sa isa sa mga benches na naroroon at palagi itong nakatingin sa baba ng tulay



Hindi nya maaninag ang muka nito dahil lagi itong naka-hood,pants at rubbershoes na sa unang tingin ay muka lang namang ordinaryong tao..


Hanggang sa isang gabi papasok na sya ng makita nanaman nya ang lalaki..gaya ng lagi nyang nakikita ay natatakpan ang buong ulo nito ng itim na jacket na may hood at gaya ng dati,nakatingin lang ito sa baba ng tulay..


Hindi na sya nakatiis at nilapitan na nya ang lalaki para kausapin


"Uhm..excuse me!.sir ayos lang po ba kayo." shiela



Napatingin sakanya ang lalaki..nawala ang kaba ni shiela dahil sa muka ng lalaki ay muka lang naman itong ordinaryo ngumiti ito sakanya..



"Okay lang ako..bakit?" medyo nakaramdam ng konting kaba si shiela dahil sa malaking boses nito na parang nanggagaling sa ilalim ng balon



"Ah-eh kasi ho madalas po akong napapadaan dito..madalas ko rin po kayong makitang naka-tambay dito."



"Kahit noon pa man ay madalas na 'ko rito..paborito ko kasing lugar ito lagi akong nacu-curious noon kung ano bang nasa baba ng tulay pero ngayon ay hindi ko na kaylangang makita." sya sa malungkot na boses




Medyo nakaramdam din ng lungkot si shiela pero nagtataka



"Napaka-misteryoso nya at the same time weird." bulong nya sa sarili


Binalik nya ang tingin sa lalaki pero ganun nalang ang gulat nya ng wala na 'to sa upuan nito



"Nasan na yun?.ang bilis naman atang mawala?.baka tumakbo na..!"-nasabi nalang nya sa sarili


Aalis na sana sya ng may sumitsit sakanya..


"Psssttt..psssstttt...pssstttt"



Palakas ng palakas..natatakot sya pero sinubukan nyang tignan kung ano o sino yun..nanggagaling sa baba ng tulay



Sumilip sya sa baba ng tulay at doon nakita nya ang lalaking kausap kanina..naka-lutang ito na parang hangin



At ganun nalang ang takot nya ng makita ang isang katawan na naaagnas sa bato-batuhan ng ilog sa baba


Sumigaw sya ng makita ang ichura ng agnas na bangkay



Isang babae ito na naka-nurse uniform at may mahabang buhok..




"Isang bangkay noon ang napabalitang pinagsasaksak at ginahasa ng mga tambay dahil sa gabi na ito kung umuwi at dahil walang masyadong taong dumadaan sa tulay ng ganung oras ay hindi nakaligtas ang kawawang nursing student"

"Malungkot po kami sa sinapit ng isang nursing student na nagngangalang si shiela reyes..sayang at malapit na sana syang matapos sa kanyang pag-aaral." sabi ng isang reporter..

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon