eyeglasses

3.2K 66 2
                                    

May kaibigan akong namatay..sya si Angel..pero bago sya mamatay ay binigay nya sakin ang kaisa-isang bagay na mahalaga sakanya..ang salamin nya sa mata..

Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng pwedeng ibigay nya ay ang eyeglass pa nya..hindi naman malabo ang paningin ko..sya oo pero ako hindi..basta ng huli lang nyang sinabi nung huli narin kaming nagkita bago sya mapakamatay sa pamamaitan ng pagbibigti ay..: "wag na wag mong susuotin yan.."

Weird diba?!binigay nya sakin ang eyeglass nya pero ayaw nyang suotin ko ito..aaminin kong nagustuhan ko ito noon..nagkaroon pa nga ng pagkakataong hiningi ko ito sakanya pero ayaw nyang ibigay..tinanong ko sya kung saan ba nya nabili iyon pero mukang natakot sya sa tinanong ko..panay iling nya..kasi simula ng mabili ni Angel ang salamin nya ay nagmuka na syang baliw dahil sa kakaibang behavior nya

Pero dumating sa punto na may pinuntahan ako..dahil maporma ako ay ginamit ko ang salamin ni Angel..bumagay sakin kaya hindi ko na agad tinanggal..

Habang nasa bus kasama ang mama ko at ang pinsan nya ay napatingin ako sa katabi ng driver..hindi naman sya kundoktor dahil alam ko ang itsura nito ng hiningi nito samin kanina ang pambayad sa ticket...nakatitig sya ng masama sa driver..maya-maya'y halos kabahan ako ng sakin naman sya tumingin..halos malaglag ang puso ko sa takot at kaba ng makita syang nakanganga habang patakbong pupunta sa kinauupuan ko..nangingitim ang muka nya...

Sumiksik ako kay mama...nagtaka naman ito kaya tinanong nya ako..

"May..ano bang nangyayari sayo?..what's wrong.?"----Mama..pati ang pinsan nya at karamihan ng pasahero ay sakin na nakatingin..tinanggal ko ang salamin..pero ng pagdilat ko ng mata ay ganun nalang ang pagtataka ko ng makitang wala na doon ang nakakatakot na babae..nakahinga ako ng maluwag saka muling kinabit ang salamin..

Bumaba na ang sinasakyan namin malapit sa simbahan..napatingin ako roon at halos kilabutan ng makita banda sa hagdan ng simbahan ang isang babaeng naka-gown at naka-belong kulay itim..Dinadaanan lang sya ng mga tao..naibaling ko nalang ang tingin ko sa iba..

Kinagabihan..

Nasa bahay na kami ng pinsan ni mama..meron akong sariling kwarto..pumunta na 'ko roon para sana matulog ng makita ko ang isang anino na nakatayo malapit sa pintuan ng kwarto nila mama...pinuntahan ko iyon at halos manlaki ang mga mata ng makita si Angel na puro dugo...nakita kong tumutulo iyon sa sahig...

"A-angel...!"----Naninginig pa 'ko habang tinatawag sya...napalingon sya sakin at halos mapasigaw ako ng makitang walang itim ang mata nya at puro dugo iyon..

Bigla nya 'kong sinakal kaya nabuwal kami sa sahig..

"Bakit mo suot yan..?hindi ba sinabi ko na sayong wag na wag mong susuotin yan..?!...-----natatakot na 'ko..

"May...may..anong nangyayari sayo..may!!"----Sila mama na pala na pinapakalma ako...ng marealize na sya iyon ay nayakap ko sya habang umiiyak..

Hinatid nila 'ko sa kwarto ko..nasa kama na 'ko at lumabas na sila mama saka pinatay ang ilaw sa kwarto...saktong pagpatay ng ilaw ay nakita ko si Angel na nakabigti..tawa sya ng tawa habang umaagos ang dugo sa mata nya..nangingisay pa sya habang nakalambitin lang sa kisame..mas napasigaw ako ng biglang mapigtal ang tali ng lubid kaya bumagsak sya sa sahig...

Saglit pa 'kong natahimik at pinakiramdaman ang paligid..halos mapasigaw ako ng may biglang humila sa kumot ko...

"Aahhhhhhh..tama naaaaa....!'"-----Sigaw ko

Paglingon ko sa tabi ko ay nanduon na si Angel...sumigaw ako ng pagkalakas-lakas..

.....................................................................

Nagising ang mama ni may dahil sa pagsigaw nito..kaya kasama ang pinsan at ang mga anak nito para pumunta sa kwarto ni may...ng buksan nila ang ilaw ay halos mapasigaw sila sa sindak..napahagulgol naman ng iyak ang mama ni may sa nakita..

Sa kama ni may ay nanduon sya..naka-upo habang nakatakip ang kumot sa bandang hita nya..may mga bahid na ito ng dugo..nakalahad ang dalawang palad nito habang tawa lang ng tawa na parang baliw...nasa magkabilang palad nito ang eyeballs nito na dumudugo pa..nasa mga mata parin ni may ang eyeglass pero basag na ito...

"Tignan nyo mama...hindi ko na sila makikita..hihihi..hindi ko na sila makikita ngayon...".....-----Nasabi nalang ni may habang tumatawa

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon