Alak

2.8K 34 2
                                    

"Salamat mga kumpare at pinaunlakan nyo 'kong makipag-inuman kayo sakin..!"...sabi ni mang bert

"Pare..ayos lang..gusto rin naman naming uminom ngayong linggo ng gabi.."..si mang ambo

"Oo nga..kasi kinabukasan may pasok nanaman tayo sa trabaho natin."..sabi naman ni mang gustin

Silang tatlo ang nag-iinuman sa kailaliman ng gabi.bilog na bilog ang buwan sa tapat ng bahay ni mang bert sila nag-inuman

Nakaka-anim na lagok na ng gin si mang gustin ng makaramdam ng pagtawag ng kalikasan..tumayo ito.

"Bert..san ba rito pwedeng umihi..?"

Tinuro ni mang bert ang likod bahay nila na mapuno..

"Salamat..teka iihi lang ako mga pare ah!"...umalis na si mang gustin,.

Nakarating si mang gustin sa likod bahay..napatingin sya sa paligid habang binubuksan ang zipper ng pantalon..medyo naliliyo narin sya sa dami ng nainom nya..

Nakapikit sya habang umiihi..tumatama ang liwanag ng buwan sa kinatatayuan nya..

"Kamusta?"...napadilat ng mata si mang gustin saka nilibot ang paningin..wala syang makita dahil banda sa tabi nya ay madilim na hindi na natatamaan ng liwanag ng buwan..

"Sino 'yan?"

"Kanina pa kita tinitignan dito..malaki pala yang ano mo noh!"...sabi ng boses lalaki saka tumawa ng pagkalakas-lakas.napangisi pa si mang gustin

"Oo naman..kaya ito ang isa sa mga nagustuhan ni misis eh..!"..nakitawa narin si mang gustin..

"Pero teka.bakit ka nandyan..?sumama ka nalang sakin at nag-iinuman kami ng mga pare ko..!"...sabi ni mang gustin saka dinukot sa bulsa ng pantalon ang cellphone saka fin-lashlight ang paligid..namutla sya at nanginig sa takot dahil ang katabi nya ay isa na lamang pader na napapalibutan ng mga baging at puno..sukat noon ay napatakbo sya paalis..

samantalang ang dalawa naman ay naiiinip dahil sa lalaking natagalan sa pag-ihi..

"Bakit kaya ang tagal ni gustin..saan na kaya sumuot yun?"..si mang bert..tumayo si mang ambo

"Sandali.titignan ko lang muna sya sa likod..baka natulog na roon!".

Naglakad na si mang ambo dala ang cellphone na may flashlight rin..kunot noo nyang nilibot ng tingin ang paligid..

"Asan na yun?!pader nalang pala ang nandito saka puno!"..bulong nya sa sarili..naisipan narin nyang umihi muna..

Habang busy sa pah-ihi ay may nakita syang babae na dumaan sa likod nya..dahil sapat lang ang liwanag na nanggagaling sa buwan ay alam nya..naka-all red ang babae..

Ngumiti sya saka pinaling ang ulo sa naglalakad na babae..

"Uy!chicks..!"..naibulong ni mang ambo.
"Miss,..saan ka pupunta?wala ng daanan dyan..dead end na yan miss,.!"..pero hindi manlang sya nilingon ng babaeng naka-all red..

Pero nagulat sya ng parang slow-motion itong lumingon sakanya saka naglagos sa pader na naroon at nawalang parang bula..sa sobrang takot ay napatakbo si mang ambo na hindi pa tapos sa pag-ihi..

Nagulat naman si mang bert ng dumaan sa harap nya si mang ambo na nagsisigaw at nagtatakbo palayo..

"Ambo..nakita mo ba si gustin?saan ka ba pupunta bakit ka parang nakakita ng multo.."..malakas na sigaw ni mang bert

"May multo talaga akong nakita..wahhhhh!!!"...hanggang sa nawala na sa paningin si mang ambo dahil sa pagtakbo ng mabilis..

"May sasabihin pa sana ako sakanya eh..kaya lang ang bilis tumakbo.!"..bulong ni mang bert sa sarili

Nakatayo lang doon si mang bert habang nakatingin pa sa pinagtakbuhan ni mang ambo kanina lang..

"Nakalimutan ng lokong isara ang zipper..pati tuloy si junjun nakasungaw..!"....humagikhik si mang bert saka na susuray-suray na pumasok sa kabahayan...


*********************************************************************

A/N:..puro bastos ata..!!haha
Kung hindi mo nagustuhan..ako rin..:3

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon