lotion

3.9K 79 2
                                    

Si eunice ay isang babaeng maselan at maraming arte sa katawan..maganda naman sya pero parang hindi sy makuntento sa ichura nya..kahit anong make-up binibili nya..mga damit na uso at marami pa lalo na't sa tingin nyang babagay sakanya..

Isa pang pinaka-pinoproblema ni eunice ay ang kulay ng balat nya.maputi na sya pero gusto nya pang lalong pumuti..pangarap nyang maging isang tisay..

Isang gabi na napadaan si eunice sa isang kalsada..gabi na sya kung umuwi galing trabaho at madalas lang nyang nilalakad dahil ilang kanto lang naman at naroon na sya sa tinitirahan..

May nakita syang isang matandang sa tingin nya ay edad 60..nasa gilid ito ng kalsada at matyagang naka-upo sa isang maliit na silya katapat ng mga paninda nito..lihim na napangiwi si eunice..ayokong maging ganyan kapangit at kakulubot ang muka ko pagdating ng pagtanda ko..--naisip nya

Lalagpasan na sana nya ang matanda pero bigla sya nitong tinawag..

Psstt..psstt..ineng..--matanda

Nagpalinga-linga pa si eunice sa likuran at sa gilid..ng masiguro nyang wala syang kasabay o ibang tao ay humarap sya sa pwesto ng matanda at tinuro ang sarili..

Ako po ba ang tinatawag nyo..?!--eunice

Tumango-tango naman ang matanda..medyo nagtaka si eunice dahil ngayon lang nya nakita ang matanda..lagi naman syang dumadaan sa kalsadang 'to pag-umuuwi sya pero hindi nya alam na may matanda palang nagtitinda dito..medyo parang creepy din ang ichura ni lola..

Nilapitan nya ito..napatitig si eunice dahil napagtanto nyang puro beauty products pala ang binebenta ng matanda..

May kaylangan po ba kayo lola?!--eunice

Pasara na kasi ako ineng..gusto ko lang sanang ibigay nalang sayo 'tong isang lotion..wala ng bayad..sayo na'to..--yung matanda habang inaabot sakanya ang isang lotion na nasa gold pang lalagyan..

Medyo nag-duda at nagtaka si eunice..ngayon lang sya nakakita ng matandang nagbebenta at ang mas nakakatawa pa..pinamimigay nya ang paninda nya.di kaya malugi 'tong si lola..?!--naisip nya

Nagdadalawang isip pa si eunice kung tatanggapin ang lotion.una'y hindi nya naman kilala ang matanda..pangalawa ay hindi sya gumagamit ng mga produktong hindi nilalabas o ineendorse sa tv at commercials..isa pa'y kaduda-duda ang pagbibigay nya ng ganitong produkto..

Aalis na sana si eunice ng magsalita ang matanda..

Ineng..epektibo itong pampa-kinis ng balat..at mas lalong puputi ang balat mo..mas lalo kang gaganda..--nakangiti na ang matanda...

Dahil sa narinig ay walang pagdadalawang salitang tinaggap agad ni eunice ang lotion at sinilid agad sa bag..ngumiti sya sa matanda..

Lola salamat po ah..gustong-gusto ko nga pong maging mas pumuti..pano po alis na 'ko..maghahatinggabi narin po..--eunice

Hindi na nya hinintay na sumagot ang matanda at bigla na syang naglakad paalis..

Ng nasa bahay na sya ay tinitigan nyang maigi ang lotion..maganda ang packaging..mukang galing pa sa ibang bansa..saka parang mabango..nakita nyang kakaiba ang sulat kaya hindi nya alam kung anong pangalan ng lotion at kung saang bansa ito ginawa..pero wala na syang pakialam..napapangiti sya..

Halos araw-araw ay ginagamit nya ang lotion..at sa pagdaan ng mga araw ay mukang umeepekto nga dahil pumuputi sya at nag-goglow ang kulay ng balat nya..

Hanggang sa isang araw ay nagising sya dahil sa biglaang pangangati ng buong katawan..napatitig sya sa orasan at nakitang alas-syete na ng umaga kaya tumayo sya..

Habang naglalakad ay mas lalong nangangati ang balat nya..panay kamot sya na dumadating sa puntong naiinis na sya..dahil sobrang kati talaga..

Sa sobrang inis sa pangangati ay bigay todo nya ito kung kamutin gamit ang kuko..doon nya napansing parang pati ang balat nya ay nasasama sa kuko nya..

Pati sa muka ay nangangati na sya..habang kinakamot nya ay nagtatanggalan na pati balat nya..humahapdi narin ang balat nya..ng tumakbo sya papunta sa salamin ay nanlaki ang mga mata nya..nagsisigaw si eunice habang walang tigil sa pagkakamot..

Natutuklap na ang mga balat nya na pati laman ay sumasama na..halos makita na ang mga buto nya sa pisngi dahil sa nagtatanggalan nyang balat...pati sa buong katawan..halos malusaw na ang kawawang si eunice ng dahil sa lotion na hindi nya alam kung saan ba talaga nanggaling..!!

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon