My short stories

1.6K 24 0
                                    


*********************************************

ANG BANYO:

Pagkalabas na pagkalabas palang ng classroom ay dumiretso agad ako sa banyo dahil sa ihing-ihi na ko,,hinintay ko nalang mag-uwian para makapag-ayos narin ako ng itsura sa salamin doon



Ng makarating ay agad akong pumunta sa pinakadulong cubicle at agad naupo,,habang umiihi ay napayakap ako sa sarili dahil sa sobrang lamig,,nagtaka ako dahil wala namang aircon ang banyo,,wala ring bintana,,


Habang patagal ng patagal ang pananatili ko dun sa bowl ay mas lalo lang akong nilalamig kaya yakap ko parin ang sarili,,akala ko nga lalagnatin ako dahil parang nagyeyelo sa loob


Ng matapos ay agad na kong lumabas dahil ang lamig talaga sa loob,,nagsasalamin nalang ako ng may pumasok na janitress,nag-ngitian kami at pumunta na sya sa mga cubicles,,

"Neri ikaw ba ang umihi dito sa pang-huling banyo?!",,


"Opo,,bakit po?"

"Hindi mo binuhusan,,buti nakatagal ka rito!"



"Bakit naman po?e ihing-ihi na ko!"


"Dito kasi sa pinakadulo kung saan ka nagbanyo walang sumi-cr dito dahil sa takot sila kasi may nagpakamatay na estudyante rito,,nagdala ng gunting tapos sinaksak ang sarili dahil daw sa depresyon sa grades saka sa pamilya,,nakita ko pa nga noon na nakaupo sya mismo dito sa bowl ng matagpuang wala ng buhay,,dilat yung mata tapos ang daming dugo,di nga lang nabalita kasi proteksyon na raw sa school na to!"


Nakanganga lang ako habang nakatitig kay aling nita yung janitress,,ngayon alam ko na kung bakit malamig roon ng umupo ako




**************************************


SA SECONDFLOOR:

Nasa sala ako at kasalukuyang nagsusulat ng mga notes at assignment ng makarinig ako ng malakas na kalabog sa itaas na parang may nahulog na malaking gamit,,dahil mag-isa lang ako rito ay kinabahan ako,,pero ng maisip ang ginagawa ay binalik ko nalang ang atensyon ko roon,,

BLAG,DUUUGG

nairita ako ng muling mag-angat ng tingin,,napatingin ako sa itaas at pinakiramdaman kung may yabag ng paa pero wala naman,,naalala ko yung pusa kong si milo pero naramdaman kong nasa paanan ko lang sya,,tulog ang pusa ko sa paanan ko,,

Hindi pa man ako nakakayuko para muling mag-sulat ng marinig nanaman ang malakas na kalabog kaya sa sobrang inis ay nagsalita ako


"Huy!wag kang mag-ingay kung sino ka man,,umalis ka dyan!",buong tapang kong sigaw,,may usap-usapan na kasi na may multo raw dito sa bahay pero para sakin kalokohan lang yun,kanina ngang bago umalis sila mama ay tinakot ako ng bunso kong kapatid na baka raw magparamdam si big guy,,tawag nya sa multo rito dahil daw malaki ito saka maitim na mama,,yung bunso kasi namin ay madalas ng magsumbong kila papa at mama pero dahil bata ay hindi sya gaanong pinaniniwalaan,,pati naman ako e

Para mawala ang kakaibang naramdaman ay binuksan ko ang maliit kong speaker na kinonekt ko sa cp saka nagpatugog ng malakas at pinagpatuloy na ang ginagawang pagsusulat,,



Halos manlaki ang mga mata ko at nahinto ang kamay ko sa pagsusulat ng makarinig muli ng tunog pero this time mas malakas,,at ang hilakbot ay tuluyan ng bumalot sakin ng may sumigaw galing sa itaas

"HUY!HINAAN MO YANG TUGTOG MO,,!"..sigaw ng malaking boses

Natagpuan ko nalang ang sariling tumatakbo palabas ng bahay at nagsisigaw,,mamayang gabi pa uuwi sila mama pero sa labas muna ko tatambay,,baka kapag hindi pa ko tumakbo ay biglang bumaba yung sumigaw





Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon