Another invitation

3.2K 67 2
                                    

Nagtatrabaho ako sa isang talyer mula umaga hanggang gabi...masasabi kong magagandang kotse at talagang bago ang karamihang nagpapa-ayos...

Gabi na ng matapos ako sa pagkakalikot ng makina dahil kinabukasan ay kukunin na ito ng may-ari kaya maghapon kong inayos..pumasok ako sa loob para i-start ang engine..ng masigurong maayos na ay bababa na sana ako ng maramdaman ang isang papel na nalaglag sa paanan ko galing sa kotse..

Agad ko iyong pinulot at nakitang isa pala itong invitation card...kulay itim sya at may nakalagay na bungong design..dala ng kuryosidad ay binuklat ko at binasa..

'Good evening ladies and gentleman...if you are reading this invitation..we have a celebration party at the hotel convention...the time of the event is 7:00 pm..november 14...
All of the people who read this must've attend in said party...
Hope you come and we promise..you'll enjoy this night..

Sa sulat palang ay nagtaka na 'ko..ibig sabihin kahit sinong makabasa nito ay dadalo..?!..parang imposible..

Kinaumagahan ng bumalik ang may-ari para kunin ang kotse ay tinanong ko narin sakanya ang tungkol sa card na napulot ko sa kotse nya..

'Ahm..sir..itatanong ko lang po sana kung sainyo po ba itong card.?

Saglit na tinitigan ng lalaki ang hawak ko..maya-maya'y ngumiti sya..

'Oo..so nabasa mo pala..!then..sayo na yan..marami kasi akong ganyan at isa ako sa mga organizer ng nasabing party na gaganapin dyan sa card..at dahil maganda ang serbisyong binigay mo sa kotse ko..punta ka na dyan..maraming mayayamang dadalo..!'----Nakangiting sabi nya

'Naku!.wag na po nakakahiya..saka hindi naman po ako kilala roon..baka po ma--

'No i insist..!.sige na..libre lang yan.ako nga pala si Jose Santos.. and mamayang gabi na yan kaya maghanda ka na ng susuotin mo..okay by the way aalis na 'ko..maghahanda pa kami para dyan sa event..see you tonight..'----Pagkasabi ay pumasok na sya sa kotse saka pinaandar..naiwan akong nagtataka habang hawak parin ang card

Kinagabihan..

Pumunta ako sa nasabing event..maganda ang hotel na ito..pinakita ko ang invitation sa mga guard...ewan ko pero ng ngumisi sila at nagkatinginan ay may kung anong weird na pakiramdam ang bumalot sakin..pinapasok na nila 'ko..ng nasa loob ay maganda ang mga decorations...mga chandeliers..,mga arrangement ng mesa at chairs..at mga taong galing sa mayayamang angkan...nakita ko yung lalaking nakausap ko at nagbigay sakin nung card..kinawayan nya ko at ganun din ang ginawa ko sakanya..

Maya-maya ay namatay na ang ilaw at tanging pulang liwanag nalang ang nanggagaling sa stage..may lalaking naka-tucks at may hawak na mic

'Good evening ladies and gentlemen..thank you for coming in this event..first of all..i'll like to ask if who in these crowd of people have the skull in their invitation card..?

Nagsitinginan ang mga tao sa card na hawak nila..tinignan ko ang sakin at napansing meron doon..tumaas ako ng kamay..lahat sila ay napatitig sakin..muling nagsalita ang lalaki sa mic..

'Okay...can you please go to the stage...!

Pumunta ako gaya ng sinabi nya...nag-usap-usap ang lalaking host pati na ang mga nasa backstage,..maya-maya ay may limang lalaking pumunta sa tabi ko..may dala silang stretcher..inutusan akong humiga roon..

Ng nakahiga ay kumunot na ang noo ko dahil tinatali na nila ang paa't-kamay ko..may dala silang mga bagay na pang-opera..hindi na maganda ang kutob ko.nagsimula na 'kong pumiglas..pero sadyang mahigpit ang pagkakatali nila sakin..

Kinuha nila ang kutsilyo..napasigaw ako sa sakit ng bigla nilang hiwain ang leeg ko..sunod ay binuklat nila iyon at binuhusan ng alcohol..halos mapaiyak ako sa sakit..dahil nilagyan nila ng packing tape ang bibig ko kaya hindi ako makasigaw..naririnig ko ang palakpakan ng mga tao..sunod naman nilang ginawa ay kinuha ang kutsilyo saka hiniwa ang muka ko...halos namamanhid na ang muka ko sa sakit..tinanggal nila ang balat saka binuhusan ng alcohol..

Ganun nalang ang ginagawa nila..unti-unti na 'kong nanghihina..hanggang sa bago ako malagutan ng hininga ay naririnig ko pa ang halakhakan ng mga tao..at ang pagkakasabi ng host..

"Welcome to the event of the torturers...
.................................................................................................................

Makalipas ang isang taon...may bago ng pumalit sa nawalang empleyado sa talyer kaya bago narin ang mekaniko...

Gabi na ng matapos kong mapalitan ng mga turnilyo ang gulong..nagulat pa 'ko ng biglang sumulpot sa kung saan ang may ari ng kotseng inaayos ko..sabi nya bukas pa raw sya babalik ah..!!..

'Tamang-tama po..naayos na po ang gulong nyo..bago na po ang mga turnilyo at na-check ko narin po kanina ang makina..!'----Masayang sabi ko sa may-ari ng kotse..

'Dahil dyan..bibigyan kita nito..!'----Nakangiting sabi nya saka inabot ang isang itim na card sakin na may naka-prentang bungo...

'Libre ka na dyan dahil isa ako sa mga organizer ng nasabing event..pagpapasalamat ko narin dahil sa pagkakaayos mo ng kotse ko...by the way,,ako nga pala si Jose Santos...'!-----Sabi nya sa kakaibang ngisi

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon