dream come true

2K 28 2
                                    

Nasa sala ako na nakaupo sa sofa habang nanonood ng paborito kong horror movie..pinatay ko ang ilaw para mas ramdam ko ang pinapanood ko..siguro'y nasa alas-dos narin ng madaling araw..

Habang pinapanood ko ang madugong scene ay halos matakot ako at the same time ma-excite..tutok na tutok ako sa telebisyon

Ng matapos ito pasado alas-tres ay naisipan ko ng matulog.tutal wala naman akong pasok kinabukasan ay talagang magpupuyat ako..

Sa sobrang puyat ay magdidilim na 'ko nagising..maghapon lang pala 'kong natulog na hindi ko na napansin ang araw..nagising ako na masakit ang ulo..naisipan ko ng bumaba para maghanda ng kakainin

Ng pababa na 'ko sa hagdan ay nakarinig ako ng kaluskos..alam kong banda sa kusina iyon kaya dahan-dahan akong bumaba..

Madilim roon kaya kinapa ko ang switch..ng umilaw sa buong kusina ay nakita kong nasa sahig na ang lahat ng kutsilyo kaya isa-isa kong dinampot at ibinalik sa dati nitong lalagyan..pero pagkatalikod ko ay nakarinig nanaman ako ng kaluskos kaya agad akong napalingon

Halos mapaupo ako sa sahig at may nanlalaking mga mata na nakatitig sa itaas..lahat halos ng kutsilyo ay nakalutang..napaisip ako kahit takot na takot..ganito yung nakita ko sa napanood ko kagabi na favorite movie ko..

Kinuskos ko ang mga mata ko na nagbabakasakaling panaginip lang pero naroon parin ang mga nakalutang na kutsilyo..halos mapatakbo ako kaya napunta ako sa banyo..sinara ko ang pinto habang hinihingal at takot na takot..

Ganitong-ganito ang napanood ko kagabi sa horror movies..imposibleng magiging totoo yun..

Sandali akong nakiramdam..ng wala ng naririnig ay lumabas na 'ko sa banyong pinagtataguan ko..pero saktong paglabas ko ay nakita ko ang mga kutsilyo na mabilis na napunta sakin..isa isa silang napunta sa iba't-ibang parte ng katawan ko..sigaw lang ako ng sigaw pero wala namang makakarinig sakin..

Ng bumagsak ako sa sahig ay nanghihina akong napatingin sa kisame..dumudugo na ang bibig ko habang umaagos sa tiles ng sahig ang dugo..nakatarak parin ang mga kutsilyo sa katawan ko..hindi ko akalaing magkakatotoo ang lahat..

Bago ako tuluyang malagutan ng hininga ay napangiti ako..
"Sawakas..natupad narin ang matagal ko ng hinihiling na mangyari sa totoong buhay na napapanood ko lang dati!"




*************************************************************************

A/N: wala eh...sabaw -_-

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon