Powder Room

1.4K 22 3
                                    

Totoong nangyari ito sa gf ko kaya nung kinukwento nya to sakin nakayakap sya tapos nanginginig,,kaylangan palang matakot para mayakap ako e,,jk


*************************

(Alexis POV)

Uwian na namin galing sa last subject namin,nightshift kasi ang schedule ko at doon sa university pa na pinapasukan ko e masyadong liblib at karamihan ng ilaw sa hallway e hindi pa napapalitan


Nagpaalam na ko sa mga kaibigan ko dahil susunduin ako ni boyfie(*kaway kaway*) kaya kaylangan kong pumunta ng powder room wich is sa third floor dahil yung ibang cr dito is under renovation pa at puro sa third floor pa ang gagamitin




Nung pumasok palang ako sa loob e may malamig agad na hangin ang yumakap sakin pero dahil sa pagmamadali ay hindi ko nalang pinansin at nagdiretso na sa malaking salamin para mag-ayos






May nakita akong babaeng pumasok kasi dumaan pa sya sa likuran ko,nakatagilid sya tapos yung buhok nya hanggang dibdib na sobrang itim,yung uniform nya e gaya samin pero madumi sya kaya nagtaka ako,tahimik lang syang naglalakad hanggang sa narinig ko na nga yung pagbukas sara nung pinto senyas na pumasok sya,hindi nalang ako kumibo tapos nun halos mabitawan ko yung lipstick ko sa gulat ng bigla syang umiyak ng sobrang lakas na parang bata,,





Pinulot ko yung lipstick at dahan-dahang sumilip dun sa maliit na hallway na may pintuan ng bawat cubicle,sa tantya ko nasa dulo sya kaya naglakad ako dun para tignan yung lagay ni ateng,kumatok ako ng kumatok pero iyak parin sya ng iyak






"Miss,,miss ayos ka lang?!kasi-uhm ang lakas ng pag-iyak mo e medyo mainga--




Huminto yung malakas na iyak nung babae kaya kinabahan ako,,naisip ko na baka nagpakamatay sa loob kaya napalunok ako,,dyusko po kinabahan ako kasi madalas talaga sa cr na pinaglalagyan ko ngayon e may nagpapakita raw talaga,,diko alam kung bakit yun yung sumagi sa isip ko,,langya natakot tuloy ako lalo






Aalis na sana ako dun sa pintuan at babalik sa ginagawa ng marinig ko yung flush ng toilet bowl,,mukang palabas na si ateng kaya madulas-dulas pa kong tumakbo pabalik sa sink para magpanggap na nag-aayos,,





Lumipas yung ilang minuto e wala paring babaing dumadaan sa likuran ko kaya naisip ko baka may inaayos pa sa loob,,








Pero ang mas nakakatakot is yung habang nakatitig ako sa sarili kong repleksyon sa salamin e bumukas nanaman yung pintuan sa gilid ko senyas na may papasok dito sa cr,,ang mas ikinataka ko e yung babae nanaman na marumi tapos kagaya nung uniform ko,,same na hanggang dibdib ang haba ng buhok na sobrang itim,,dahan-dahan parin papasok sa isa sa mga cubicle narinig kong bumukas sara ulit kaya nakiramdam ako,,tapos nun hindi na maipinta yung pagmumuka ko ng marinig nanaman yung malakas na iyak nya kaya sa sobrang kaba saka takot e tumakbo na ko dala yung bag ko,,madulas-dulas pa ko kasi medyo basa pa yung tiles na sahig,,nung sumara yung pintuan e naririnig ko parin yung iyak nya since ang lakas sobra kaya mangiyak-ngiyak akong nagtatakbo pababa sa hagdan



In the end hulas ulit yung make-up ko ng marating ko yung main gate,,yung iba nga napatingin pa sakin dahil ata sa itsura ko,,pero kahit nabura yung make up ko never na kong babalik dun para lagyan ulit kung yun lang din naman ang maaabutan kong senaryo,,no way!!nakakatakot lang pisti..










///////////////////////////////////////



A/N:.,totoong kwento po yan,,ang totoo tatlong beses daw naulit yung papasok yung misteryosang estudyante sa cr tapos umiiyak ng parang wala ng bukas,,parang de javu kaya natroma si alexis,,ayun after 2 days nakakausap ko na sya ulit

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon