halloween display

3.3K 69 3
                                    

Malapit nanamang mag-halloween kaya tuwang-tuwa si ana..para sakanya ay isa ito sa mga pagkakataon at araw na hindi nya pinapalampas ang mga kendi at pananakot..

Isang hapon habang naglalakad pauwi galing sa supermarket para bumili ng ihahanda sa araw ng mga patay ay may isang magazines na lumipad sa kung saan at napunta ito sa paanan nya..nakita nyang iba't-ibang halloween decorations ang nasa cover kaya bigla syang nagka-interes at pinulot nya iyon..

Pagka-uwi ay agad syang naupo at sinimulang tignan ang napulot na magazines..halos matuwa sya sa mga nakakatakot na display na nakikita nya..

Merong isang display na nakaagaw ng atensyon nya..isang naaagnas na tao iyon na talaga namang nakakatakot..nagkakahalaga iyon ng apat na libo ayun sa brochure..agad nya yung nagustuhan..napatingin pa sya sa paligid at iniisip kung san iyon isasabit kung sakaling mabili nya..hanggang sa nakita nya ang screendoor kaya napangiti sya..

Nakita nya agad sa likod ang impormasyon ng nagbebenta ng mga decorations at costumes na nasa magazines at agad nyang tinawagan..ng makumpirmang mamayang gabi na ide-deliver sa bahay nya ay natuwa sya..

Kinagabihan..

Nasa kanya na ang display na life-size na taong naaagnas..tuwang-tuwa sya habang pinagmamasdan iyon..sinimulan na nyang tawagan ang mga kaibigan nya para makapag-sleep over sa bahay nya..

Halos matawa sya sa reaksyon ng mga kaibigan ng sa unang pagtapat sa pinto ay bumungad ang nakakatakot na display..halos matakot ang mga ito..
Hanggang sa lumilipas ang ilang araw at dumaan ang araw ng mga patay..halos tuwang-tuwa si ana..pero nagulat sya sa malalakas na pagkatok sa pintuan nya kaya agad nya iyong binuksan at nagulat dahil kapitbahay nya ang kumakatok

Ana..wala ka bang naaamoy?..kasi ilang araw na eh,.--rea

Nagtataka naman si ana sa babaeng nasa harap..

Wala naman bakit?ano bang naaamoy mo?..--ana

Parang..parang amoy patay na tao..!!--rea

Naku!..baka naman may napanis lang kayong pagkain kaya ganun..--ana

H-hindi...ta-talagang amoy patay..--rea

Napatingin ito sa pinto at sumigaw saka nagtatatakbo papunta sa bahay nito..natawa si ana sabay tingin sa display na nasa pintuan..tapos narin kasi nung araw na 'yun ang halloween kaya naisipan nyang tanggalin na iyon at ikabit nalang ulit next year sa araw ulit ng mga patay..

Bitbit ang display habang papasok ng bahay ay unti-unti narin syang nakakaamoy ng hindi maganda...parang patay na daga..

Hinanap nya sa bawat sulok ng bahay ang kinalalagyan ng mabahong amoy pero wala naman syang nakitang kahit ano..napapansin nyang kahit san sya magpunta ay naroon ang nakakasulasok na amoy..para na syang masusuka..

Napansin din nyang kanina pa pala nya bitbit ang display kaya nilagay nya muna ito sa lamesa..

Tatayo na sana sya para maligo ng mahinto sa paglalakad..dahan-dahan syang napatingin sa display na nasa mesa..ng may sumagi sa isip ay ganun nalang ang kilabot at paglakas ng kanyang sigaw..

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon