bakanteng lote

5.2K 146 8
                                    

Isa sa mga madalas pag-usapan ng mga tambay o di naman kaya ay mga tsismosa ay ang bakanteng lote malapit sa tindahan ni aling mary kung saan tumatambay ang mga nanay at kalalakihan



Marami raw kasing nagpapakitang mga nilalang na nakakatakot,ilan lang dyan ay ang kwento ni aling anna na nakakita raw ng white lady..si mang agustin naman na nakakita ng paring walang ulo at marami pa..



Noong una ay hindi ko lang pinapansin ang mga ganyang kwento dahil para sakin ay gawa-gawa lang yan ng mga walang magawa at para lang may mapag-usapan



Pero dahil ako ay isa sa kanila ay naging totoo na 'to at naging bukas ako para dito



Dahil wala nang ibang madaling daanan at tanging ito na malapit sa nasabing nagmumultong bakanteng lote ay wala akong magawa kundi dumaan dito no choice dahil ito lang ang pinakamalapit na daan pauwi samin..
Naglalakad ako ng may matanaw akong isang ginang na nakatayo..all black sya simula sa suot nyang belo hanggang sa sapatos..


Ng nasa tapat ko na sya ay bigla nya 'kong nilapitan



"Ineng baka pwede mo naman akong samahan..dyan lang sa may sementeryo malapit sa may bakanteng lote natatakot kasi ako dahil mag-isa lang ako naghihintay nga 'ko ng may dadaan" sabi ni ale



"Bakit po ba kayo pupunta dyan sa sementeryo sa dis-oras ng gabi?..hindi po ba pwedeng ipagpabukas nyo nalang po ang pagdalaw?!" Tanong ko


"Hindi ineng..dyan ako nakatira."




Nagtaka naman ako..malapit lang ang bahay namin dito at bawat nakatira sa area namin ay kilala ko at alam ko ang mga muka pero sya ay ngayon ko lang nakita..


Sinamahan ko na sya..



Ng nasa sementeryo na kami ay nag-uusap kami ng mga bagay-bagay..napalingon ako sa may bandang damuhan dahil parang may gumagalaw..wala naman pala..imagination ko lang siguro


Ng nasa may harap na kami ng bakanteng lote ay nagpaalam na sya..




"Ineng salamat ah!..okay na 'ko rito teka ano nga palang pangalan mo para naman may kakilala na 'ko rito at minsan naman ay magpapasama ako kapag gusto kong mamasyal."



"Ah..ako po si joy kayo po.?" masaya kong tanong



"Ako naman si cecilia suarez..sige na paalam" sya saka na naglakad palayo



Pabalik na 'ko sa pinanggalingan ko kanina ng bigla akong matisod..napadapa ako



Aray!!..badtrip naman..ano ba 'yung naapakan ko?
Patayo na sana ako ng may biglang nakita kaya automatic na napatingin ako sa semento sa harap ko.



Cecilia suarez
1943-2015
In loving memory



Halos manlaki ang mga mata ko kasabay ng pagtaasan ng mga balahibo




May nakita akong paa sa harap ko kaya tumaas ang ulo ko para tignan at para 'kong aatakihin sa puso sa nakikita




"Ineng..mag-ingat ka naman baka masira mo yang nitso ko eh." Sabi ng nakasabay ko kanina lang na si aling cecilia

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon