bahay sa gubat

3.6K 64 8
                                    

May isang mangangaso ang nagpunta sa isang gubat para manghuli ng mga hayop..

Hindi naman nya alam at kabisado ang gubat kaya inabot na sya ng dilim sa kakalakad..

At dahil sa gutom at pagod ay minabuti nyang maglakad-lakad pa at baka sakaling swertehin sya..

Baka naman may bahay man lang dito na pwede kong tuluyan kahit ngayong gabi lang--sabi ng mangangaso

Sa pinakagitna na sya ng gubat ng bigla syang napangiti ng makita ang isang maliit na kubo..hindi nya nya pinalampas ang oras at agad syang pumunta roon..

Ilang ulit na pagkatok pa ang ginawa nya pero wala man lang nagbubukas..tinulak nya ang pintuang yari sa kahoy at saka nagtuloy-tuloy sa pagpasok..

Napangiti sya ng makitang wala na palang nakatira roon..nilibot nya ang tingin sa kabuuan ng maliit na kubo...luma na nga iyon pero may isa syang napansin..puro paintings ang nasa bahay na iyon at karamihan ay nakasabit sa dingding..

Nagtaka sya dahil puro nakakakilabot na tao ang nasa paintings..parang nakatingin ito sakanya ng masama..ang iba ay may hawak pang kutsilyo at ang iba naman ay nakanganga..

Masyado sigurong nakakatakot ang gustong ipinta ng pintor na ito--nasabi nalang ng mangangaso..

Inantok na sya kaya humiga na sya sa isang papag at hindi nalang pinansin ang mga nakakatakot na paintings..

Kinaumagahan ay masaya syang nagising..umunat-unat pa sya ng katawan ng may mapansin..nilibot nya ang paningin sa kabuuan ng bahay..wala na ang mga paintings na nakita nya kagabi lang..

Sa halip ay puro mga nakabukas na bintana ang kanyang nakita..

..............................................................................................................................


Mas pinapangit..haha!..
Asahan nyo may pinaka-pangit pa..

:)

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon