Aswang

530 8 0
                                    


Sa baryo namin ay merong isang matandang laging nakatitig sakin.medyo natatakot ako sa t'wing makikita ko sya sa labas ng aming bintana o kaya naman ay masasalubong sa daan.wala namang kakaiba nung una sa matandang yun pero usap-usapan na talaga sya sa lugar namin na isa nga raw syang Aswang





Isang gabi habang natutulog na kaming buong mag-anak ay napabangon ako dahil sa kaluskos sa bubong..parang may tao roon at hindi lang basta tao dahil kitang-kita ko ang pag-yupi ng yero sa tuwing maglalakad sya at ang tunog nito.





"Kikikikkkkiiiikikiikikikik!!"



Mas lalo akong natakot dahil naiisip ko na ngang aswang yun at ang mas nakapagpakilabot sakin e mahina na yung boses senyas na nasa malapit lang yung aswang.naririnig ko narin ang pagkikiskisan ng parang pakpak


Agad akong tumakbo papunta kila nanay at tatay pati yung bunso kong kapatid nagising narin



"Nay,tay may aswang sa bubong..natatakot ako!" Bulong ko sakanila.and since sila nanay at tatay e laking probinsya talaga ay alam nga nilang isang aswang yung nasa bubong.si tatay kinuha yung dalawang itak nya tapos malakas nya yung pinagkiskis na pinaparinig dun sa aswang..si nanay naman nagmumura habang sumisigaw na.




"P*ta kang g*go ka..kapag hindi ka umalis dyan pupuntahan ka namin bukas dyan sa bahay mo.kilala kitang animal ka!"


Tapos nun naririnig na namin ang malakas na pag-alis ng parang malaking ibon..sumilip ako sa bintana tapos nakita ko yung malaking itim na pusa na biglang nawala kaya napayakap sakin yung kapatid ko sa takot



Nung nawala yung aswang e nagkatinginan kaming lahat..si tatay biglang nagtaka



"Bakit gabi-gabi nalang ata tayong inaaswang rito? Mahal buntis kaba?"


"Hindi.kita mong menopause na ko.baka namali lang ng bahay na napuntahan yung aswang? E sa kalapit bahay may buntis dyan e!" Sagot nung nanay ko


Bumuntong hininga na ko


"Ang totoo po nay,tay..ako po ang buntis.balak ko na po sanang sabihin sainyo kaso natatakot po ako at naghahanap ng tamang tyempo.tatlong buwan na po sa boypren ko." Natakot lang talaga akong umamin kasi nakakatakot si tatay magalit lalo na kapag nalaman nyang buntis ako dahil nag-aaral pa ko



At as usual mas natakot ako sa tatay ko kesa sa aswang na ngayon ay pinagmumura ako at galit na galit na














































A/N: Walang kwentang ud:D
NABUKO TULOY NG WALA SA ORAS SI INDAY XXD

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon