126TH ROSE || Reunited

9.6K 329 79
                                    

I'm sorry for this very lame/spoiled chapter. I'm still not feeling well but since I love you guys, I managed to update this chapter. Anyway, Chapter 126 is up, enjoy reading. 'Till next week guys. XOXO ~ :)




126TH ROSE || Reunited

126TH ROSE || Reunited

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- MICHELLE SUMASTRE -



Abala at tahimik ako sa pag-aayos ng aking bag nung maramdaman ko ang pagtapik ni Quia sa aking braso kaya agad akong napatingin sa kanya. "What do you wanna eat? I'll treat you."

"'Wag na, Quia. Hindi kasi ako kakain dito," agad kong ikinalwit ang backpack ko sa aking likod. Lunch break na kasi namin at balak kong pumunta sa bahay ni Sir Jonathan para puntahan si Madame Trinity. Hindi kasi ako bibisita sa kanya bukas dahil Sabado at kailangan kong tumulong kina Mama Rona sa restaurant. "May pupuntahan kasi akong importante eh."

"Oh, is that so?" agad namang ngumiti nang malapad si Quia. "Okay, I'll be with Chantal and the others."

Tumango naman ako sa kanya. "Babalik ako ng ala una."

"Okay. Take care!"

Tumango ako muli sa kanya at kumaway bago tuluyang umalis ng aming classroom at tahimik na dumiretso sa parking lot ng aming eskwelahan.

Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung magsimula akong maging personal na tagapagbantay ni Madame Trinity. Mula sa treatments n'ya hanggang sa kung anu-ano'ng ginawa sa kanya para gumaling s'ya ay naroon ako at nakaantabay sa kanya. Ilang buwan na rin iyong ginagawa sa kanya nung isang taon s'yang comatose ngunit wala paring nakikitang improvement at wala paring nakikitang sign si Sir Jonathan na gagaling pa si Madame Trinity. Hindi naman maiwasan ni Sir Jonathan na malungkot dahil ginawa na n'ya ang lahat para sa kanyang pinsan ngunit wala parin s'yang nakikitang progress at senyales kung gagaling pa ba ang kanyang pinsan.

Sa parte ko naman ay nalulungkot rin ako para kay Madame Trinity. Sa totoo lang ay gusto ko na talagang sabihin kay Tric na andito ang mama n'ya dahil panigurado ay matutuwa s'ya kapag makita na n'ya ang kanyang ina na nawalay sa kanya ng halos anim na taon.

Pero hindi pwede. Hindi magandang timing kung sasabihin ko kay Tric ang tungkol sa mama n'ya lalo pa't hindi pa mabuti at wala pang progress ang kalagayan nito. At mas lalong wala rin akong tsansang makausap s'ya lalo pa't wala namang namamagitan sa aming dalawa at hindi ko rin alam kung ano na ba ang status naming dalawa dahil wala naman kaming closure—para bang naging wala na lang kami sa isa't isa.

Napabuntong-hininga na lamang ako kasabay ng pagsuot ko ng aking helmet. Hay, buhay.

"Michelle!" napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko agad si Dae na malapad ang ngiting kumakaway sa akin. Kitang-kita ko ang tuwa sa kanyang mukha. "Kanina pa kita hinahanap doon sa classroom kasi may gusto akong sabihin sa'yo kaso sabi ng mga classmates natin umalis ka na raw. Mabuti na lang at naabutan kita rito!"

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon