Enter 74: Break Up

Start from the beginning
                                    

"Sorry...pero ito yung tama. Mahal na mahal kita. Ikaw lang yung mamahalin ko hanggang huli. Sana makahanap ka magmamahal sayo. Yung kaya kang ipaglaban. Yung kaya kang samahan sa lahat ng problema," tapos hinalikan ko siya.

Napapikit ako. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa pisngi ko.

Bumitaw na ako sa halik nayun.

"Paalam," nahihirapan kong sabi bago tumalikod at iniwan siya.

Pero naramdaman ko yung yakap niya bago ako makalabas.

"Please ZK. Ayusin natin 'to. May nagawa ba akong nagpasama sa loob mo? May hindi ka bang nagustuhan? Sabihin mo ZK kung anon yung dahilan. Huwag yung ganito...," bulong niya. Naramdaman kong nababasa na ang damit ko dahil nakapatong ang mukha niya sa balikat ko.

Tinatanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin pero mas lalo niya lang hinihigpitan kaya hindi ako makawala aa kaniya.

" Please CJ. Itigil na natin para wala ng masaktan pa!," sigaw ko. Umiyak na naman ako. Tumigil ka Klark! Wag ka ng umiyak!

"Pero nasasaktan na ako ZK!," binitiwan na niya ako pero iniharap niya ako sa kaniya.

"Sabihin mo ZK, dahil ba kay Dad?," hindi ako sumagot, sa halip ay yumuko ako.

"P*tang*na naman! Bakit mo siya sinunod?," sigaw niya sa akin.

"Hindi na yun mahalaga CJ. Simulab a araw na ito, wala ka ng boyfriend. At ganun din ako," inalis ko na ang kamay niya sa akin at tumalikod.

"Z-ZK...."

"I'm sorry," huling sabi ko bago tuluyang nakalabas. Nang maisara ko ang pinto ay napasandal ako. Nakayuko ako habang umiiyak.

I'm sorry CJ.

°°°°°°°°°°°
[Josh's POV]

Napaluhod ako nang tuluyan na siyang umalis. Wala na. Tapos na. Napahagulgol ako. Sobrang sakit pala kapag nangyari na ang kinakatakutan mo. Sobrang sakit pala.

"CJ, sorry. Sorry kung nagsinungaling ako kanina. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal kita CJ pero si m-mama. Siya nalang yung meron ako"

Naalala ko tuloy yung sinabi niyang yan. Akala niya tulog ako. Nagtulog tulugan ako kasi baka lambingin niya ako kaso iba, iba ang nangyari. Hindi ko naman siya masisisi kaso ang sakit kasi. Parang balewala lang yung limang taon kong paghihintay para lang makasama siya.

Yung mga pangako namin sa isa't isa nung mga bata kami na magpapakasal kaming dalawa kapag nagtapos na kami sa Kolehiyo. Yung mga panahong wala kaming ibang problema. Yung samahan, yung oras na magkasama kami. But now, it's just a memories. Hindi na matutupad ang mga plano naming dalawa para isa't isa. Dahil wala na. Tapos na.

Napayukom ako ng kamao ng maalala kong si Dad pala ang may pakana nitong lahat. Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan ang sekyetarya niya.

"Nasaan si Dad?," agad kong tanong nang sagutin niya ito.

[Sir Christian? Nasa office niya po]

"Sabihin mo, mag-usap kami"

[Pero sir, may kausap po siyang importanteng tao]

"Just follow me! Mas importante pa ba yan? T*ng*na"

Alam kong nagulat siya pero wala akong pakealam.

[Sandali lang po Sir]

Naghintay ako ng dalawang minuto bago narinig ang boses ni Dad.

[Oh son? Napatawag ka?]

Gusto ko siyang murahin!

"Anong ginawa mo? Ha? T*ng*na"

[Kalma son. Believe me, gagaan ang loob mo dahil sa nangyari. Makakalimutan mo din ang baklang yan]

"Fvck you! Wala ka ng ibang ginawa kundi ang pakealaman ako! Napakawala mong kwentang ama! Hindi mo man lang naisip kung ano ang kakahantuhan ng ginawa mo! Napakasama mong ama!"

[HOW DARE YOU TO TALK TO YOUR DAD LIKE THAT! WALA KA NG GOOD MANNERS! DAHIL LANG DIYANG SA BAKLANG YUN, NAGKAKAGANIYAN KA NA? NAGAGAWA MO NG PAGSALITAAN NG MASAMA ANG AMA MO?--]

" WALA AKONG AMA NA KAGAYA MO"

*call ended*

Muli akong napaiyak. Pinapangako ko sa'yo. Tayo parin hanggang huli.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°
A/N: Aww. Wala na. Finish na relationship nila😭 Pero itong story, malapit ng matapos. Who wants happy ending?? But who wants not?

Sa gustong malaman kung ano ang kakahantungan ng story nina Brix at Jerome, hindi ko pa sisimulan hangga't hindi ako nakakatanggap ng sampung 'YES'. Kung hindi ako nagkakamali, kulang pa ng tatlo o dalawang 'yes' bago maging sampu. Yung gusto ay magcomment lang sa Enter 71. Ang nakapagcomment na ay wag ng umulit. Dahil one person = one vote. So yun lang naman.

*unedited*

Entering All Boys' School (boyxboy)Where stories live. Discover now