Chapter 55

777 10 9
                                    

Marcus' POV

Halos mapatalon ako sa kama nang bigla na lang nagring 'yung phone ko.

+639******** calling

Sino naman kaya 'to?! Hinayaan ko lang na magpa-ikot-ikot 'yung cellphone ko sa table habang binabasa ko 'yung article tungkol sa amin nung weirdong babaeng 'yun.

'Scarlette says in her statement, "Sweet siya [boyfriend], makulit, May pagkaclingy din pero in a good way. Gusto niyang palagi kaming magkasama. Supportive. He often visits me during mall tours.'

Pinagsasabi nito?! Kahit na ba compliment eh nakakainis pa rin. Basta nakakainis!

Matapos magpa-ikot-ikot ng phone ko, tumigil din siya at nagbeep naman. One message received.

From: +639**********

Hey! Scarlette here. Answer my calls you--- ugh.

Mabitaw-bitawan ko 'yung phone na hawak ko pagkabasa ko sa pangalan niya. Ano ba 'to?! May sa-manghuhula ba 'to? Paano niya nalaman phone number ko?

Tumawag ulit siya pero in-end ko. Nakakatakot na siya. Hindi ko pa rin maabsorb lahat ng nangyayari ngayon.

From: +639**********

Uy ano ba?! Sagutin mo ako!

Nagreply ako. Baka sakaling tumigil.

To: +639**********

Tigilan mo na ako. Hindi kita kilala.

Wala akong kilalang Scarlette! Nananaginip lang ako. Nagbeep ulit 'yung phone ko at pagtingin ko, siya ulit ang nagtext.

Her: Kilala mo ako MARCUS.

Me: Wrong number ka. Hindi 'to si Marcus.

Mabuti 'yan, Marcus. White lie. Kung gusto mo pang mabuhay nang normal, lalayuan mo 'yang babaeng weirdo.

Her: 'Wag mo nga akong lokohin!

Me: Sino bang gustong makipaglokohan? Hindi nga ako ang hinahanap mo.

Ilang minuto ring natahimik ang buhay ko nang hindi na siya nagreply. Mabuti. Napahiga ako sa kama saka nag-isip ng paraan para makatakas sa gusot na pinasukan ko.

Isip, Marcus. Isip.

Napa-upo ulit ako saka napaharap sa screen ng laptop. Nagsimula akong magtype ng comment sa article with the codename NotHerBoyfriend.

NotHerBoyfriend says: This is fake. You guys should not believe in such news like this.

Wala pa atang ilang segundo kong napost iyon, may nagreply agad sa comment ko. Aba't basher pa! Great.

STARSharthart says: Bitter.

Ako pa naging bitter? EH HINDI NGA TOTOO 'YANG BALITANG NABABASA NIYO! Tsk. Kabataan ngayon.

Nadagdagan pa ng reply 'yung comment ko at halos mapanganga na lang ako doon.

Scarlette'sProperty says: P're, tanggapin mo na lang. Taken na ang pinakamamahal natin. Laslas. Joke. Pero masakit pa rin.

Nicolemylovesosweet: Hindi ka nagbabasa nang maigi. Si Scarlette Nicole na mismo ang umamin.

Acerbabeh: Maging masaya ka na lang para sa kanila. Bitter 'to. Walang lovelife.

What the?! Nananakit na batok ko.

NotHerBoyfriend says: THIS IS NOT TRUE. BELIEVE ME.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now