Chapter 19 "Paano kapag niligawan kita ngayon?"

1K 24 2
                                    

A/N: Chapter dedicated to Mikaela Jane B. Dagani. Yey~ Melody ka rin pala. Tinignan ko kasi profile mo. Sungjae, Minhyuk and IlHoon bias here. Relate ka pala kay Breena kasi fangirl ka rin. Sakto ang chapter na 'to sa iyo. Hope you like it.

=====

Aicer's POV

Nakinig muna ako ng tugtog sa ipod ko sa sobrang inip. Nagvibrate ang cellphone sa bulsa kaya kinuha ko iyon at hindi nakatingin sa screen na sinagot iyon.

"Hello?"

"Hi, Kuya!" kapatid ko pala.

"Bakit napatawag ka?" 

"Wala lang. Tapos na ba photoshoot mo? Ano? Kamusta? Maganda ba'ng shots?" 

"Wala pa. Hindi pa nga nagsisimula kasi wala pa 'yung isang model." 

"Ganoon? Mag-uwi ka ng ice cream ah. Ha?ha?" kahit kailan talaga ang kulit ng kapatid ko.  

"Mr. Aicer!" sigaw ng photographer. 

"Oo na, sige. I'll hang up the phone. Tawag na ako ng photographer. Bye na."

Dumating na kaya si Sabrina? Lumapit na lang ako sa photographer.

"Mr. Aicer ikaw muna kukuhaan ko for solo shots. Mamaya na yung dalawahan, okay?"

Pumunta na lang ako sa platform para masimulan na at matapos agad 'tong photoshoot. Mga simpleng pose lang naman ginawa ko. Kung ano yung sinabi sa akin sinusunod ko na lang. 

"Sir, ready na po yung isang model. Hindi na po talaga dumating si Sabrina. May emergency daw kaya hindi nakapunta. Pero may nakita naman na kaming new model na pwedeng pumalit sa kaniya" Sino kaya yun? "Sige palabasin niyo na"

A girl wearing a cute dress appeared right in front of my eyes. Hindi ko alam kung flash lang ba ng camera ang tumatama sa mata ko o sadyang makinang lang siya. Yung paa ko kusang lumalapit papunta sa kinatatayuan niya, ni hindi ko na rin namamalayan kung ano nang nangyayari sa paligid ko at sa sarili ko. Nilahad ko ang kamay ko para alalayan siyang makaakyat sa platform. Ewan... Siguro naaalala ko lang ang kapatid ko sa kaniya. 

"Okay... Ganito ang gagawin niyo, susundin niyo lang lahat ng sasabihin ko pero pwede namang kayo mismo gumawa ng pose niyo. Be natural. Ayoko ng parang robot na model, understand?" Tumango na lang kami nung kasama ko sa mga sinabi ng photographer. 

"Alam niyo naman siguro na para sa isang teenmag ang photoshoot na 'to. Gusto kong magmukha kayong couple sa poses niyo. Ikaw Aicer akbayan mo si girl. Ano nga bang pangalan mo, hija?"

"Hannah Breena Lee." 

"Okay, sige Hannah lumapit ka kay Aicer. Ididikit mo yung mukha mo sa kaniya ah." 

Sinunod ko yung gusto ng photographer kaya inakbayan ko siya. Medyo nagulat pa nga yung Hannah kasi bigla na lang tumaas yung balikat niya pagkapatong ko ng braso ko dun.

Breena's POV

"Relax lang Hannah, naninigas ka eh. Halata sa mukha mo." sabi ng photographer. Paano ba naman kasi bigla na lang umakbay sa akin si Aicerbeybe. "Don't worry... Hindi ako nangangain kaya calm down." bulong ni Aicerbeybe sa tenga ko. Nagtaasan tuloy mga balahibo ko. Nangangatog buo kong katawan. Hindi ako makapagfocus.

Sino ba namang babae ang makakapagcalm down kung katabi mo yung lalaking ganito kagwapo diba? Para akong tamed lioness sa tabi niya. Super kabaligtaran ng tunay na ako kapag nakakakita ako ng something na may connect sa kaniya.

Lahat gusto ko meron ako, kulang na nga lang pati billboard na may mukha niya baklasin ko at iuwi sa bahay. Kaso sabi ni kuya masyado raw malaki kaya hindi ko na pinagtangkaang kunin pa. Hay~ yan ang buhay ng fangirl. Lahat gagawin para sa pinakamamahal nila.

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon