Chapter 2 "Meeting the arrogant and pervert (i think) guy"

1.9K 34 1
                                    

Aba. Si Mr. Volleyball pala. Paano naman kaya niya nalaman pangalan ko? 

"Ako pala si Nathan Terrence Kho. Tourism. Kung may sumakit ulit sa iyo, you can text or call me." at may iniabot siya sa aking calling card. 

"Elle means 'beautiful fairy'. That name suits you." Ngumiti siya pagkasabi nu'n. 

"Ha?" Hindi ko masyadong narinig 'yung sinabi niya. Pero parang may sinabi siyang salitang 'beautiful'. Beautiful? 'Yung pangalan ko o ako? Joke.

"Thank you. Psychic ka ba? Actually, my name is Farrah ELLE Naveen. HRM student. Siya nga pala si Hannah Breena Lee. Classmate ko."

"Your name reminds me of someone special in my life who doesn't even remember a thing about me." Nakita ko sa mukha niya kung gaano siya nalungkot tungkol doon.

"I'm sorry to hear that." sabi ko at saka nginitian siya. Sabi nga, ngitian mo lang ang isang tao malungkot ay mangingiti na rin siya. At hindi ako nagkamali kasi ngumiti nga siya. I can see something in his smile. Mahirap iexpain kung ano pero bigla na lang akong nakaramdam ng kung ano. Mahirap din maexplain. Baka kasi... gutom na ako. 

"NATHAN!" napalingon kami sa lalaking tumatawag sa kanya. Teammate siguro.

"So... Goodbye girls. See you next time."

Napatingin na lang ako sa likod niyang naglalakad papalayo sa amin. Lumingon siya at kumaway sa amin. Gosh. This guy is too cute. Malamang magiging crush ng bayan 'to.

"Farrah is there something wrong? What's with that wide smile?"

"Ah--- Wala. Natutuwa lang ako. Tara na sa canteen."

Pagkabili namin ng pagkain, tumambay muna kami sa canteen at nagkwentuhan tungkol sa buhay ng bawat isa. NBSB siya at mayroong one year older brother. I'm wondering, ano kaya itsura nun? Baka gwapo kasi maganda si Bree eh. So sad nga lang, sa kabilang campus siya ng school kasi 2nd year na siya at iba ang course niya.

Nasabi ko sa kanya na may dalawa akong kapatid. Isang kuya at ate. Ang kuya ko, model ng isang sikat na clothing line sa Pilipinas at vocalist ng banda. Ang ate ko... Fashion designer. Kagulat - gulat lang na ang kilalang Sophia Naveen sa Fashion Industry ay nanonood pa rin ng cartoons at fairytales hanggang ngayon.

Ang saya! Ako lang ata ang matured sa aming magkakapatid. Si kuya medyo may pagkaisip bata rin eh. Umiyak pa isang beses nung nakain ko 'yung chocolate niya. Pero kahit ganoon sila, love ko pa rin mga yun! Handa akong maging ate para sa kanila.

Hindi ko na namalayan ang oras sa sobrang dami ng napag-usapan namin. Dumating kami sa room ng sakto sa oras na halos nakasabay na namin sa pagpasok 'yung prof. Naunahan lang namin ng ilang segundo. Tumayo siya sa harap at tinitigan kami isa-isa.

"All of you must be wondering why i'm here. Let me introduce myself first, I'm..." pagpapakila ng prof. Wala na akong naintindihan. Lutang na lutang talaga ako ngayon. Hala! Baka may internal bleeding sa ulo ko dahil sa tama ng bola. Huwag naman po sana.

"Each one of you will introduce in front of the class. Let's start it with the girl sitting near the window"

Teka. Ako yun ah. Hindi naman siguro. Dami namin eh. Lima kaming malapit sa bintana.

"Farrah mag-introduce ka na" sabi ni Bree.

"Ako?" sabay turo sa sarili. Napakurap ako. Girl daw. Eh ako lang ang babaeng nakaupo sa column na 'to.

"Yes, you" biglang sabi ng prof kaya bigla akong napatayo.

Hala. Ako nga. Patay. Nakakahiya. Napaghahalataang hindi nakikinig. Agad-agad akong pumunta sa harapan para magpakilala. 

"Hello everyone. My name is Farrah Elle Naveen. Nice to meet you." 

Pabalik na sana ako sa upuan ko nang sa hindi inaasahang pagkakataon, nadapa pa ako.

Pikit. Dilat. Pikit. Dilat.

"WAAAAAHHHH!" napasigaw ako. Ang lapit ng mukha ko doon sa lalaking nakasalo sa akin kaso... Kaso... Nahawakan niya yung... Aaaahhhhh!!!

"BASTOS!!!" Hindi ko na napigilan at dulot na rin siguro ng gulat ay nasampal ko siya. Pakiramdam ko nagtinginan lahat ng mga kaklase ko sa amin. Ang malas ko talaga. Wala 'yung prof dahil may tumawag sa kanya kaya hindi alam kung ano nang nangyayari sa classroom na iniwan niya.

"How dare you do that to me?! Pasalamat ka sinalo pa kita kundi nangudngod ka na diyan sa sahig."

"Sino ba naman ang hindi magagalit sa paghawak mo sa ---" sabay takip ko ng dibdib. Bastos talaga. Pervert. Gusto ko siyang suntukin kaso nanginginig ako.

Bakit ba sa akin nangyayari 'to? First day na first day sobrang daming kamalasan ang nangyari sa akin. Naiiyak na ako.

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now