Chapter 54

551 11 3
                                    

A/N: Chapter dedicated to SkyprImo21. Salamat sa pagvote at pagcomment sa story na ito. Thank you talaga! Saranghaeyo :) Sana magustuhan mo itong chapter. Ganoon din sa mga naghihintay sa update. Sana magustuhan niyo. And sorry for the long wait. :)

If you have time, please read my works. May pinost akong dalawang true story na pwede niyong kapulutan ng aral (???) 'Should I Let Him Go?' and 'Should I Let You Go?' May iba pa akong novel na ginagawa. Love in Silence at Super-sized Princess' Notes na sana mabasa niyo rin. Baka magustuhan niyo kasi naenjoy kong isulat ang dalawang iyon.

Hugs and kisses~

=====

Farrah's POV

 

Two long weeks kaming nagstay sa vacation house nina Nathan. Masyadong maraming nangyari sa mga araw na iyon. Napapangiti na lang ako kapag naaalala ko.

Isa...

"Kailangan mo bang pumunta doon?" pagtutukoy ni Nathan sa photoshoot. Ilang beses niya na akong tinatanong tungkol sa bagay na 'yon.

Nakaupo kami sa isang bench sa garden. Medyo may kalayuan siya sa akin. Pareho kaming nakatingin sa mga ilaw ng LED nozzles sa edge ng bridge. Gabi na kaya ang gandang tingnan ng mga ilaw na lumalabas na may kasamang tubig.

Tumingin ako sa kanya. "Hindi naman totally kailangan. Gusto ko lang." saka binalik ulit 'yung tingin sa mga ilaw.

"Bakit?"

"Kasi..." bakit nga ba? Hhmm, "Kasi... gusto ko." napangiti na lang ako. Actually, gusto ko para magkaroon ako ng idea at experience sa mga ganoong bagay. Photoshoot para sa graduation picture palang kasi ang napupuntahan ko. Plus, family picture at chuchu na hindi naman ako kumikita ng pera. Ha-ha. Nakakatawa.

Nang napatingin ako sa kanya, saktong napatingin din siya sa akin. Nagkatitigan ng sandali at biglang tumambling pabalik 'yung puso ko. Mga sampung beses ata iyong napatambling-tambling na mabilis nung nakita kong ngumiti rin siya sa akin. Bigla, iniabot niya 'yung pisngi ko ng kamay niya saka...

... pinisil niya iyon. Akala ko pa naman. Hay. Kailangan ko na sigurong bawas-bawasan ang panonood ng mga romantic drama. Pinapaasa lang ako. Chos. Mabuti ngang hindi niya ginawa 'yung eksenang naisip ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling mangyari iyon.

"Bakit ang cute mo, Farrah?" sabi niya pagkababa ng kamay niya.

Rhetorical question kaya hindi na ako nag-abala pang sumagot. Cute lang? Okay na iyon. Atleast nacu-cute-an siya sa akin kahit hindi naman ako nagpapacute. Wow.

Dalawa...

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin pagkadaan ko sa sala na siyang kinagulat ko. Nangatog ata buong katawan ko. Nagkakamot ako ng mata tapos bigla siyang magsasalita sa sobrang tahimik na lugar. Aba't nakakamatay ata iyon! Akala ko sa kilig lang bibilis ang tibok ng puso ko dahil sa kanya, hindi pala.

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now