Chapter 46

707 13 4
                                    

Chapter dedicated to ehnna03 ^_^ Salamat sa pagbabasa.

=====

Farrah's POV

Next station, Anonas. Ang susunod na istasyon ay Anonas

"PADAM PADAM? Ano 'yun?"

"Wala ba kayong TV?! Don't you even know that korean drama? Oh well. May ganito kasi doon."

"Anong may ganito kasi doon?"

Wala talaga akong alam. Ewan ko ba. Basta parang narinig ko na nga yung salitang 'yun kaso hindi ko lang matandaan kung saan.

"Nasa loob ng masikip ng tren. As in ganito yung scenario at posisyon ng bidang lalaki at babae. Katulad natin."

"Ano naman?"

Arriving at Anonas Station. Paparating na sa Anonas Station.

Nagbreak yung tren. Dahil doon mas napalapit si Marcus sa akin. Mas nagexert pa ng effort yung kamay ko na ipush siya palayo kaso wala rin. Pinagsamang bigat niya at yung nasa likod niya yung tinutulak ko. Ang bigat kaya~

"Ang hard mo sa akin Farrah. Gusto mo maging hard din ako sa 'yo? Hindi mo alam kasi hindi mo pa napapanood. Gusto mo gawin ko 'yung nangyari doon?"

Napatingin ako sa kanya. Sobrang lapit na talaga niya. Nag smrik lang siya sa akin. Pinupush ko pa siya palayo pero ang bigat niya. Pagtitripan na naman ata ako nitong si Marcus ah. Makakasuntok ako nito ng wala sa oras. NATHAN!

"'Wag mo 'kong pagtripan Marcus. Makakascore ka talaga sa akin."

Ngumiti lang siya sa akin saka naging nakakaloko ulit yung tingin.

"Makakascore? Hhhmm... " saka siya tumango tango.

Pinag-iiisip nitong si Marcus. Nangangatog na 'yung binti ko. Hindi ko na maaninag si Nathan kasi nakaharang yung mukha ni Marcus.  Suntukin ko kaya 'to? Ayoko namang gumawa ng eksena. Isip~ Isip~ Paano ba mawawala 'tong lalaking ito sa harap ko?

Biglang bumukas yung pinto.

"Padaan po kuya. Makikiraan lang po. Pasensiya na po."

May dumaan na manong sa harap namin kaya nawala sa harap ko si Marcus. BUTI NA LANG! Nagkapalit sila ni Nathan. Mas okay naman 'tong si Nathan kaysa doon sa malokong si Marcus, 'no? PADAM PADAM DAW. Weh. Pauso 'tong si Marcus eh.

Tumunog yung warning buzzer at nagsara na yung pinto. Mas sumikip pa sa loob kasi isa lang naman yung lumabas doon sa part ng tren kung nasaan kami at mas marami ang sumakay.

Kung ano yung posisyon ni Marcus kanina, ganun yung posisyon ni Nathan. Dahil mabait si Nathan, hindi siya ganun kalapit sa akin kaya nakakaharap pa ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa labas.

Next station, Araneta Center Cubao. Ang susunod na istasyon ay Araneta Center Cubao.

Umaambon. Nakakasenti at nakaka-inlove. Samahan mo pa ng gwapong nasa harapan ko ngayon. Nakakainlove lalo. Lalalandi lang.

PADAM PADAM? Nacurious tuloy ako bigla. Baka alam ni Nathan kung ano 'yun.

"Nathan, alam mo ba yung nangyari sa PADAM PADAM? Medyo ganito rin daw kasi 'yun sabi ni Marcus. Ano bang nangyari dun?"

Nginitian niya lang ako. Eh? Ganun ba nangyari doon? Ngumiti lang 'yung lalaki?

"Basta"

"Anong nga?"

"Mahirap i-explain eh. Basta."

Arriving at Araneta Center Cubao. Paparating na sa Araneta Center Cubao.

Tumingin siya sa akin at nginitian ako. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"Kasi..." napalunok ako. Ang init ng hininga niya. Nagbreak ang tren kaya na-out of balance siya.

Then...

He kissed me on the lips.

=====

"Uy Farrah! Gising na"

Nakaramdam ako ng pagtapik sa pisngi. Maraming beses 'yun. ANG SAKIT AH!

"Tulo na laway mo."

Napadilat ako bigla sa sinabi ni Marcus. Ayos ah. Nang-asar pa. 

Panaginip lang pala yun. Akala ko totoo.

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now