Chapter 24 "Allow me to court you"

937 15 1
                                    

Farrah's POV

Hinihila lang ako nung nakahawak sa kamay ko. Saan ba ako dadalhin nito? Nung medyo nasasanay na yung mata ko sa dilim, medyo lumilinaw na yung mukha nung nasa harap ko. Bigla na lang siya tumigil kaya nauntog ako sa likod niya. Humarap siya sa akin at bigla na lang akong niyakap.

"I miss you Farrah"

"Marcus?"

Mas humigpit yung yakap niya sa akin.

"You don't know how much I missed you." Naramdaman ko na huminga siya nang malalim, "Hindi mo alam kung gaano ako nagtiis na hindi ka kausapin, pansinin at itext man lang. Pero hindi ko talaga kaya. Parang mababaliw ako."

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Bakit ganito siya kumilos ngayon?

"Wala ka man lang ba sasabihin?" pagtatanong niya.

Ano'ng sasabihin ko? Wala akong maisip.

"Na miss din ata kita."

Mas lalong humigpit yung yakap niya. Niyakap ko na lang din siya. Namiss ko siya eh. Akalain mo yun?

"Maraming nagbago nung mga nakaraang araw. Farrah, ikaw lang babaeng nagparamdam sa akin nito." huminga siya ulit nang malalim, "Nung mga panahon na hindi kita nakausap, nawala ako sa sarili ko. Nung hindi kita pinansin at hindi mo man lang ako nilapitan, namatay ako. Kapag my lumalapit sa iyo na ibang mga lalaki, pinigilan kong makagawa ng masama dahil sa sobrang selos."

"Hey, are you okay?" Hindi niya pinansin yung sinabi ko.

"Masaya ako kapag kinakausap mo ako... Sa tuwing nilalapitan mo ako tumitigil lahat ng nasa paligid ko. Kapag hinahawakan mo kamay ko, parang gustong tumalon ng puso ko. Kapag sinusubuan mo ako parang gusto kong maging baby na lang para maalagaan mo. Alam kong corny lahat ng sinasabi ko pero masisisi mo ba ako kung nagiging ganito ako dahil sa iyo?"

"Ako?"

"Oo, ikaw Farrah Elle Naveen. Hindi na ata ako makakapaghintay pa ng 4 months. Tama nga sila, love comes unexpectedly. Walang set na panahon para mainlove basta mararamdaman na lang iyon... Katulad ng nararamdaman ko ngayon. Farrah----"

Nangangatog yung buong katawan ko. Nilalamig ako. Humiwalay siya sa pagkakayakap. May kung ano siyang kinuha sa bulsa ng tuxedo niya.

"Marcus... Diba yan yung relos na sobrang mahal? Yan dapat ang ipanreregalo mo kay ate Marga."

Tumango na lang siya at sinuot iyon sa wrist ko.

"Marcus hindi ko yan matatanggap. Sobrang mahal niyan~"

"Kahit gaano man yan kamahal... Mas mahal pa rin kita. Farrah... I--- love you."

"Marcus..."

"Farrah... Let me show you my sincerity. Please allow me to court you."

"Nabibigla ka lang siguro sa mga sinasabi mo."

"Hindi. Alam ko kung anong sinasabi ng puso ko. Matagal ko nang pinag-iisipan kung ano ba 'tong nararamdaman ko hanggang sa narealize ko nung iniwasan mo ako kung ano ang magiging mundo ko kapag wala ka."

"Hindi magandang biro yan ah. May camera ba sa paligid? Pakana niyo ba 'to ni Nathan?"

"Farrah naman. Ngayon lang ako nagseryoso ng katulad nito sa buong buhay ko tapos ganyan lang sasabihin mo?"

Hindi na ako nakasagot.

"Hindi na ako maghihintay pa ng sagot mo basta liligawan kita starting today."

Hinawakan niya ang kamay ko sabay hila ulit papasok sa venue.

Masisiraan na ata ako ngayon ng bait.

=====

Hindi na humiwalay si Marcus sa tabi ko simula nung magsabi siya ng kung anu-ano sa harap ko. Nung umalis sandali si Marcus pumunta ako sa side ni Nathan.

"Nathan, iuwi mo na ako. Nantitrip kasi si Marcus eh. Dali na please."

"Sigurado ka?"

"Oo." madali ko siyang hinila papunta sa parking lot. Hindi na ako nakapagpaalam kay ate Marga. Nakakahiya naman.

"Farrah!!!"

I'll be dead. Boses ni Marcus yun eh. Naglakad ako nang mabilis habang hinihila si Nathan.

"Wala kang narinig Nathan."

Wala rin akong narinig. Bigla na lang may humawak ng braso ko kaya natigilan ako.

"Saan kayo pupunta ni Nathan?"

Yung mukha ni Marcus nakangiti habang nagtatanong. Hindi ba siya galit dahil tinakasan ko siya?

"Uuwi na ako. Ayoko ng mga biro mo. Hindi nakakatuwa." sabay irap ko sa kanya. Hindi naman talaga kasi nakakatawa eh. Pssh. Hindi niya man lang pinansin yung sinabi ko. Napaturn siya kay Nathan.

"Ako na lang maghahatid sa kanya. Bumalik ka na sa loob."

Tumingin si Nathan sa akin. Wag kang pumayag.

"Farrah okay lang ba yun sa iyo?"

"Nathan naman eh... Wag mo akong iwan kasama yan."

"Farrah naman... Wala ka bang tiwala sa akin? Mas maganda kung tayo lang para makapag-usap tayo na TAYONG DALAWA LANG. Walang iba." sabi ni Marcus.

May magagawa pa ba ako? Edi sumama na lang ako kay Marcus. May batok talaga sa akin 'to kapag sinabi niyang 'joke lang yun'. Ayoko kasi talaga ng gaoong mga biro. Aissh.

Habang nasa kotse walang nagsasalita sa amin kaya nagtulug-tulugan na lang ako.

"Farrah?" sabay hawak niya sa cheeks ko. Chineck niya ata kung tulog ako. Nagtulug-tulugan pa rin ako. Ayoko talagang makipag-usap sa kanya. Kapag yang kamay na yan napunta sa ibang parte ng katawan ko, magkakaroon ng palutang lutang na kamay sa ilog pasig.

"Farrah tulog ka ba? O nagtutulug-tulugan lang?"

No response. Narinig ko yung buntong-hininga niya.

"Marinig mo man 'tong sasabihin ko o hindi, maniwala ka sa akin Farrah, totoo lahat ng sinabi ko kanina. Papatunayan ko sa iyo na hindi ako nagsisinungaling. I really love you Farrah, i really really do."

Kinilabutan ako sa lahat ng sinabi niya. Mukhang sincere naman siya sa sinabi niya eh... Pero ayokong umasa siya. Hindi ko naman sinasabi na wala na agad siyang pag-asa Ang sa akin lang, baka hindi ko mapansin yung ipaparamdam niya kasi may iba nang nagmamay-ari ng puso ko.

Saka lang ako nagising kunwari nang nasa tapat na kami ng bahay.

"Goodnight Farrah."

Tumango na lang ako sa kanya. Ang sama ko. Walang salita-salita na pumasok ako sa bahay.

My Fairy Lover [Tale 1 - COMPLETED | Tale 2 - ONHOLD ]Where stories live. Discover now